Chapter 4

1.8K 119 5
                                    



Chapter 4



"Clementina, saan naman tayo pupunta ngayon?" medyo nababagot na tanong ni Ignacio.

Naglalakad kaming dalawa ngayon sa town proper ng Tanza, Cavite. Maraming establishment dito kaya sigurado akong makikita ko ang gusto kong bilhin. Hindi ko dapat kasama si Ignacio kaso hindi ko naman alam ang mukha ng Tanza noong panahon ng mga Amerikano kaya hinila ko siya papunta dito. "May gusto akong bilhing damit."

"Damit? Ang dami mong damit tapos bibili ka pa ng panibagong damit. Maluho ka rin sa damit."

Napanguso ako. "Grabe ka. Puros bestida naman kasi ang damit niya. Ang hirap minsan kumilos kapag nakabestida. Hassle. Lalo na kapag may gusto akong gawin kaso nakasuot ako ng dress." huminto ako sa harap ng isang shop kung saan may damit pang-lalaki na naka-display. "Ignacio, bagay sa iyo 'yan oh." tinuro ko ang isang color yellow long sleeve na polo. "Tapos i-partner mo sa necktie na itim."

"May ganyan na ako." naglakad na ulit si Ignacio kaya sumunod ako sa kanya. "Ano bang klase ng damit ang gusto mo?"

"Pants. Parang katulad ng iyon o." tinuro ko ang isang square pants na naka-display sa madadaanan naming shop. Bago pa ako makapagsalita ay pumasok na sa loob ng shop si Ignacio. Napapailing akong pumasok sa loob. Parang nagsisisi akong sinama ko siya. Mukhang hate ni Ignacio ang mag-shopping.

"May iba't ibang kulay ba kayo nito?" tanong ni Ignacio sa tindera sabay turo sa pants na gusto ko.

"Mayroon naman po. Ano po ba ang—"

"Sukatan mo na ang aking novia at lahat ng kulay ay bibilhin ko."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ignacio. "Oy, Ignacio, lahat talaga?" sinimulan na rin akong sukatan ng tindera. "Seryoso ka ba? Ikaw ang magbabayad nito?"

"Syempre naman para marami kang masuot. Marapat lamang din ay bumilis ka ng blusa." binaling niya ang tingin sa nagsusukat sa akin. "Gusto ko rin ng iba't ibang klase ng blusa na mayroon kayo dito. Tig-isa para sa kanya." naglakad si Ignacio papunta sa sofa at doon umupo. Matamnan rin niya kaming pinagmamasdan habang sinusukatan ako bago kinuha ang mga dyaryo na nasa coffee table.

Hindi ko alam na galante pala itong si Ignacio. Siya na rich kid. Pero hindi dapat ako pumayag na pagbayarin siya ng mga damit na gusto ko. Nakakahiya iyon dahil ilang araw pa lang kaming nagkakilala tapos dapat wala siya dito sa Tanza kaso nang dahil sa may amnesia kuno ako. Tumikhim ako. "Ignacio."

"Bakit?"

"Ako na ang magbabayad ng mga ito. Hindi mo naman kailangang gumastos para sa damit na gusto ko."

Seryoso siyang tumingin sa akin. Hayan na naman ang hindi-ako-nakikipagbiruan-sa'yo look niya. "Hayaan mo na ako sa aking gusto. Isipin mo na lamang na pasasalamat ko ito sa iyo dahil sa wakas ay makakalaya na ako sa nakakasakal na relasyon namin ni Clementina. Sa oras na kabisado mo na ang pagkatao niya, tapos na itong kaguluhan na 'to."

Hindi na ako nakapagsalita dahil obvious naman na dismiss na ang usapan namin dahil binalik na niya ang atensyon sa pagbabasa ng dyaryo. Bumuntong hininga na lang ako. Talagang gusto ng lalaking ito na makawala na kay Clementina. Sinabi ko naman kasing break na sila. Siya lang itong ayaw pa makipaghiwalay. Gulo rin ng lalaking ito.

Nang matapos na ang pagsusukat sa akin, sinabi ng tindera na may gawa nang damit na eksakto sa size ko. Nice naman. Ready to wear na. Nagpalit na rin ako ng damit para maiba na ang suot ko. Umay na talaga ako sa dress. Tinulungan naman ako ni Ignacio na magbitbit ng mga paper bag. Nilagay muna namin ang mga iyon sa kotse niya bago kami nagpatuloy maglibot.

Love, Time and Fate ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon