Chapter 8
December 7, 1941
"Mahal na mahal kita."
Napangiti ako at umayos ako ng higa. Hanggang pagtulog ko naririnig ko ang boses ni Ignacio. Magdidilim na nang umuwi kami kahapon. Medyo hindi nga lang natuwa si Papa Esteban dahil late na kami umuwi. Nanenermon na nga ito sa amin kagabi pero huminto rin dahil na-realized na si Ignacio ang kasama ko. Obvious na boto sa boyfriend ko.
"Gising na, mahal."
Ngumiti ulit ako bago tumagilid. Mayamaya may yumakap sa akin na dahilan ng pagdilat ko. Nilingon ko ang yumakap sa akin. "Ignacio! Bakit ka nandito? Mapagalitan tayo ni Papa kapag nalaman niyang nandito ka sa loob ng kwarto ko."
"Alam ni Tito Esteban na nandito ako para gisingin ka." Magaan niya akong hinalikan sa noo. "Magandang umaga, Lavender."
"M-Magandang umaga rin." Pinagmasdan niya lang ako at medyo nakaka-awkward iyon lalo na sa tulad kong bagong gising na may panis na laway pa sa gilid ng labi. Natawa ako sa naisip ko. Panis na laway. Nanlaki ang mata ko at bigla kong tinulak si Ignacio na dahilan kung bakit siya nahulog sa higaan. "Shemay!" Tumakbo ako palabas ng kwarto ko. "Nakakahiya! Mamaya may panis na laway pala sa gilid ng labi ko kaya ganoon siya makatingin sa akin." Mabilis akong bumaba at dumeretso sa CR.
Tiningnan ko kaagad ang mukha ko sa salamin. Nakahinga ako ng maayos dahil wala sa gilid ng labi ko ang kahindik-hindik na panis na laway. Naghilamos ako ng mukha at inayos ko ang buhok ko bago umakyat.
"Gising ka na pala, Clementina."
Lumapit ako kay Mama Geronima at nagmano ako sa kanya. Humalik naman ako sa pisngi ni Ate Dorothy. Karga niya si Lola Cecilia na sobrang sarap ng tulog ngayon. May katabi si Ate na isang babae na mukhang mas matanda sa kanya ng two years. "Good morning!" bati ko sa kanila. Umupo ako sa bakanteng upuan.
"Good morning, Clementina." nakangiting ganting bati sa akin ng babae.
"Clementina, siya ay si Thea. Best friend nating dalawa. Ngayon lang niya nalaman ang k-kalagayan mo." sabi ni Ate Dorothy.
"Nalulungkot ako sa nangyari sa iyo, Clementina." malungkot na sabi ni Thea.
"Ayos lang iyon." Matipid akong ngumiti. Naramdaman ko ang presence ni Ignacio. Mayamaya, nasa tabi ko na siya at hinawakan niya ang kamay ko.
"Hayaan mo—"
"Mommy!" Napatingin ako sa batang lalaki na bigla na lang sumulpot kung saan. Maybe this kid age is around six or seven years old.
Pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha ng batang lalaki. Familiar kasi sa akin.
"Ambrosio, hindi ba sinabi kong huwag kang takbo ng takbo?"
Kumabog ang dibdib ko. "Ambrosio? Ambrosio Santibañez?" bigla kong natanong. Napatingin silang lahat sa akin na parang may weird na nangyari sa akin.
"Naaalala mo na si Ambo?" parang humahangang sabi ni Thea.
Oo. Pero bilang lolo ko. Pinagmasdan ko si Lolo Ambo. "H-Hindi. Hinulaan ko lang."
"Ambo, magmano ka kay Ninang Clementina mo."
Tiningnan ako ni Lolo Ambo na para bang nag-aalinlangan itong lumapit sa akin. Humigpit ang hawak ko kay Ignacio. "L-Lolo." bulong ko sa sarili ko. Naramdaman kong pinisil ni Ignacio ang kamay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/188743444-288-k766752.jpg)
BINABASA MO ANG
Love, Time and Fate ✓
Historical FictionSa hindi inaasahang pangyayari, nahulog sa puno si Lavender dahil nasira ang sangang tinutuntungan niya dito. Pagkagising niya mula sa pagkakahulog napunta ang kaluluwa niya sa katawan ng isang babaeng sobrang sakit talaga sa ulo ang buong pagkatao...