Chapter 6

1.8K 97 9
                                    



Chapter 6



Isang linggo na ang nakalipas noong nangyari ang confrontation sa pagitan namin ni Ignacio. Isang linggo ko na rin siyang iniiwasan dahil ayoko talagang kausapin ang taong mababa pala ang tingin sa akin. Grabeng nakaka-down iyon kaya talagang hindi deserving ng attention ko ang lalaking iyon.

Inayos ko sa mesa ang mga gamit ko sa pagpe-paint. Naging instant working place ko ang azotea kahit hindi naman talaga. Hinayaan lang ako ni Papa Esteban at Mama Geronima na mag-paint dito. Hirap nga lang ang ibang kasambahay na linisin ang kalat ko kaya ang ginagawa ko, ako na ang naglilinis para hindi na sila maabala pa. Nakakahiya naman kasi. Ako na nga ang nagkakalat tapos lalo ko pa silang papagurin sa paglilinis dahil sa mga tumulong pintura sa sahig.

May nagpatong ng isang bouquet ng Chrysanthium sa ibabaw ng mesa at alam kong si Ignacio iyon. "Lavender."

Hindi ko nilingon si Ignacio. Nag-umpisa na akong mag-combine ng mga kulay na pwede kong gamitin. May mga timba rin ng pintura dito. Wala pa akong idea na ipipinta ko.

"Lavender, pansinin mo na naman ako. Alam kong nasaktan ka sa mga sinabi ko." huminga siya ng malalim. "Paumanhin sa aking mga nasabi."

Kinuha ko ang bouquet at inamoy iyon. "Ang ganda naman nito." Kita ko sa peripheral vision ko ang pagngiti ni Ignacio. Walang sabi-sabing sinawsaw ko iyon sa pintura at pinaghahampas ko sa canvas. Different colors splashed in my medium and maybe in my body too. Huminto ako nang ma-satisfied ako sa pinaggagawa ko. Napangiti ako nang makita kong maganda ang kinalabasan ng gawa ko. A new abstract painting. "Saan ko naman ito ilalagay?" Punong-puno na ng painting ang bahay na ito.

"Are you happy now?"

Nilingon ko si Ignacio. "Yes I'm happy but not so much happy. I'm just satisfied on what I've done. Hindi pa aabot sa kalahati ang happymeter ko. I'm still mad at you."

"Kung ganoon, siguro'y mapapanatag na ang iyong loob kung ako'y aalis na dito at babalik na sa Maynila."

Hindi ako kumibo. Sigurado naman akong hindi siya aalis. Ni hindi ko pa nga gamay ang pagkatao ni Clementina. Eh paano kung umalis talaga siya? Mariin akong pumikit.

"Lavender..."

"Lavender's green dilly dilly, Lavender's blue. If you'll love me then I will love you. Lalalalala."

"Lavender, kung talagang ayaw mo na talaga akong harapin. Hayaan mo't bukas na bukas rin ay aalis na ako. Magandang gabi sa iyo."

Tunog ng paglalakad niya ang sign ko na naglakad na papalayo sa akin si Ignacio. Mukha ngang seryoso siya sa pag-alis niya bukas. Eh 'di umalis siya. Sus! Ako pa mag-a-adjust para sa kanya?

Pero okay lang ba sa iyo na umalis?

"Hindi... Oo! Hindi pala! Oo, kaya ko!" Napasabunot ako sa sarili ko. Nakakainis naman! Eh ano kung umalis si Ignacio? Hindi ko naman kawalan 'yon. Muli kong sinabunutan ang buhok ko at impit na tumili. Napalingon ako sa likuran. Nanlaki ang mata ko dahil nasa likuran ko si Manang Delia at mukhang nawiwirduhan sa mga pinaggagawa ko. Kaagad akong tumayo ng maayos. Inumpisahan ko nang ligpitin ang mga gamit ko.

Huminto ako sa ginagawa ko nang iiling-iling na umalis si Manang Delia. Gosh! Mukha akong tanga sa paningin nito kanina. "Nakakainis ka talaga, Ignacio."


----


Tahimik ang hapag kainan ngayong umagang ito at talagang medyo nakaka-awkward dahil parang ang lungkot ng mga kasama ko. Hindi ko alam kung may namatay o may naaksidente ba kaya ganyan sila. Humigop ako ng tsa. Baka wala silang maisip na topic para pag-usapan. Ako na lang ang mag-o-open ng topic. Napigil akong magsalita nang magsalita si Papa Esteban.

Love, Time and Fate ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon