Chapter 5
Isang musika galing sa gramophone ang sumalubong sa akin pag-akyat ko ng bahay. Galing ako sa bakuran para diligan ang mga halaman ni Mama Geronima at para na rin kumuha ng bungkos ng bulaklak para sa painting ko. Mabuti na lang at nasa Manila ang nanay kuno ko kaya hindi ako mapapagalitan sa gagawin ko.
"Love will not die, we'll keep it away
Up among the stars we'll find
A harmony of life to a lovely tune
East to the sun and west to the moon, dear
East to the sun and west to the moon..."Napangiti ako nang makita ko si Ignacio na sinasabayan ang kanta ni Frank Sinatra. Maganda pala ang boses niya hindi nga lang kasing galing ng mga sikat na singer sa panahong ito pero pwede na rin pang-gig. Tamang-tama ang timbre ng boses. "Ngayon lang kita narinig na kumanta."
Napalingon siya sa gawi ko. "Naisipan kong magpatugtog. Magaganda ang mga plakang mayroon kayo lalo na kay Frank Sinatra at Glenn Miller. Pasensya na kung pinakialam ko ang mga ito."
"Ayos lang 'yon." tumabi ako sa kanya. "Ang ganda naman pala ng boses mo."
Nginitian lang niya ako at pinalitan ang plaka sa gramophone. Pumailalim ang tunog ng musical instrument. Inilahad ni Ignacio ang kanyang kamay. Sign na niyayaya niya akong sumayaw. Pinatong ko sa gilid ng gramophone ang hawak kong mga bulaklak at nagpatangay kay Ignacio papunta sa gitna ng sala.
Why do robins sing in December
Long before the Springtime is due?
And even though it's snowing, violets are growing
I know why and so do you
Why do breezes sigh every evening whispering your name as they do?
And why have I the feeling stars are on my ceiling?
I know why and so do you...
Marahan lang ang pagsayaw namin. Simpleng waltz lang. Deretsong nakatingin sa mga mata at may ngiti sa mga labi. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilang ngumiti.
When you smile at me I hear gypsy violins
When you dance with me, I'm in heaven when the music begins...
"Bakit ngayon ko lang napagtanto na maganda pala si Clementina?"
Slight lang akong kumibit balikat. "Siguro dahil naiinis ka sa kanya o baka naman sa akin ka nagagandahan at hindi kay Clementina."
"Marahil nga." iniangat niya ang kamay ko at marahan akong umikot. "Malayong-malayo ang personalidad ninyong dalawa. Hindi ko maikailang gusto ko ang personalidad mo kaysa sa kanya." nasa baywang ko na ulit ang isa niyang kamay. "Iba ka sa mga binibining nakilala ko."
"Dahil galing ako sa future?"
"Hindi ko alam. Marahil oo, marahil hindi."
When you dance with me, I'm in heaven when the music begins
I can see the sun when it's raining, hiding every cloud from my view
And why do I see rainbows when you're in my arms?
I know why and so do you...
"Dapat alam mo dahil gusto mo ang personalidad ko. Mamaya, hanapin mo sa girlfriend mo ang personality ko na wala naman siya." humilig ako sa balikat niya. Para kaming magkayakap habang sumasayaw. Wala akong narinig na comment mula kay Ignacio. Mukhang pinag-iisipan niya ang sinabi ko. "Noong isang araw, nandito si General Collins."
BINABASA MO ANG
Love, Time and Fate ✓
Historical FictionSa hindi inaasahang pangyayari, nahulog sa puno si Lavender dahil nasira ang sangang tinutuntungan niya dito. Pagkagising niya mula sa pagkakahulog napunta ang kaluluwa niya sa katawan ng isang babaeng sobrang sakit talaga sa ulo ang buong pagkatao...