Noong una ikaw ay tinatarayan ko
Sabi mo nga ang sama ng ugali ko
Ngunit ito ang aking naging paraan
Para ikaw ay aking maging kaibigan
Lumipas ang araw, nakilala natin ang isat isa
Aminin kong ikaw ay minahal ko higit sa kanya
Walang katugon pero sa akin ay okay lang sya
ang mahalaga makita kitang masaya
Tinuring mo akong malapit na kaibigan
Tinaggap ko iyon ng walang pagaalinlangan
Kahit ako ay may nararamdaman hindi nagkaroon ng ilangan
Sabihan ng sama ng loob kaya ikaw naging aking sandalan
Ang dami ko natutunan mula sa iyo
madami akong nalaman sa aking pagkatao
mga tanong na ikaw ang nagbigay sagot dito
para kang guro at ako estudyante mo.
Aking kaibigan ikaw sa akin ay mahalaga
kaya gusto ko lagi kang masaya
iyong mga tawa at ngiti ay nakakadala
Napupugnaw ang lungkot sa aking mga mata
Hindi ko alam kung ang lahat may hangganan
subalit bakit ito aking naranasan
sa aking alaala ikaw ay di malilimutan
Hanggang sa aking huling mga araw
Pangako koy naging walang kabuluhan
hindi nangyari ang dapat inaasahan
ngayon magpapakalayo-layo para kilalanin sarili ko
ako ba ay may karapatan pang mabuhay sa mundo
Alam kong nasa akin ang lahat ng mali
ito na lang ang pangako kong muli
mahirap man itong sa iyo ay paniwalaan
ako sa iyo ngayon magpapaalam
bago ko tapusin ang tulang ito nais kong magpasalamat sa iyo
sa lahat ng tulong at sa mga itinuro mo
hihingi na din na tawad sa mga nagawa ko sa yo
Sinasadya man o hindi, sana ako ay mapatawad mo
BINABASA MO ANG
Collections
PoetryPakiramdam mong ikaw ay nag-iisa. Yun bang walang masabihan ng problema.? Sa lalim ng iniisip ay nagiging bad mood ka.? express your feeling by creating poems...