Bukid at Bayan

119 4 2
                                    

Dalawang lugar sa Pilipinas ating pwedeng puntahan

Ito ay ang kabukiran at ang kabayanan

Ngayon ating alamin tunay na kahalagahan

Alin ang mas matimbang, bukid o bayan?

Sa bukid o nayon, luntian ang kapaligiran

Nakapaligid sa iyo ay samutsaring halaman

malinis na sapa at ilog, magandang tingnan

Malamig na simoy ng hangin iyong mararanasan

Karamihan bahay kubo ang kanilang tirahan

Subalit saya sa mukha nila ay hindi matatawaran

Normal na pamumuhay, yun lamang ang kanilang inaasam

Basta kompleto ang kain, ngiti sa labi ang masisilayan

Sa bayan naman nandiyan na ang lahat

Palengke, ospital, mall pati ang park

Ibat-ibang uri ng tao dito matatagpuan

Sa bilis ng takbo ng buhay, wala ng pakialaman

Malalaking gusali ang makikita sa bawat daan

Ang puno dito pwede mo ng mabilang

Mainit na simoy ng hangin dito mo mararamdaman

Malinis na paligid ay hindi na matatanaw.

Produkto ng bukid sa bayan ang dala

Itong produkto ay dito mabilis matinda

Madaming tao ang dito ay may nais

Dahil tiyak na napakasariwa nito at napakalinis

Sa isang banda serbisyo ng bayan, tagabukid nananamasa

Mga serbisyo at produkto dito lang makikita

Mga trabahong may magandang kalidad

Dito maipapamalas ang kanilang abilidad.

Saan man mapunta ay may halagang dala

Mapabukid man o mapabayan ang iyong ruta

Ang kailangan natin ay ang pagpapahalaga

Para ang dulot nitong saya ay ating matamasa.

CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon