Habang naglalakad sa tabi ng kalsada
Ako'y nagulat sa aking nakita
mga raliyista na tila nagkakaisa
May isinusulong na propaganda
Ako'y napahinto at nagtingin-tingin
pinipilit kong pakinggan ang kanilang daing
Isa lang aking napansin
pati mga bata kasali na rin?
Tama bang ganito ang mangyari
Pati mga walang muwang ay kasali
Kung sila ay nabayaran ay hindi ko alam
Subalit kung sila'y nagkusa, mahirap naman paniwalaan.
Ngayon aking napagtanto at nabatid
Lahat ng galaw ng gobyerno ay may kontrang hatid
Sa ganitong paran ba ang demokrasya dapat gamitin
Sa rally idadaaan ang pagsasabi ng saloobin.
BINABASA MO ANG
Collections
ŞiirPakiramdam mong ikaw ay nag-iisa. Yun bang walang masabihan ng problema.? Sa lalim ng iniisip ay nagiging bad mood ka.? express your feeling by creating poems...