Second Chance

87 4 9
                                    

Lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan

ang salitang forever ay walang katotohanan

Isang bagay na sa akin ay iminulat

ng mga pangyayaring sa akin mismo naganap

Isang pagkakamali ba ang aking ginawa

naglihim lang ng isa ,lahat ay nawala

pagkakaibigang tunay na aking pinahalagan

ngayon nasa aking mga alaala na lamang

Kay hirap tanggapin itong mga bagay bagay

pundasyon ng aking pagkatao biglang nabuway

tulad ng isang malaking punong bigla na lang humapay

isang napakalaking dagok sa aking buhay

bakit nga ba ako naapektuhan sa mga naganap?

siya ang bumitaw at nawala na lang iglap

Pagkakamaling kanyang mismong dinamnam

ang tiwala niya sa akin kanyang tinanggal

ako ngayon parang librong napakaluma

madaming pahina sa akin ay nawala

batid kong kahit akoy hindi na alam

ang kwentong aking patutunguhan

Ang tiwala ng tao ay sadyang napakahalaga

Subalit nawala agad nagkamali lang ng isa?

ano yun second chance na tinatawag nila?

bakit sa aking suliranin ay wala siya.

Ika nga sa deserving lang binibigay ang ganoon

paano ko itatama ang pagkakamali kung wala iyon

kung wala man, kahit kapatawaran ay maibigay niya

Ng mabawasan ang hinagpis na nadarama

Hindi na ba maiibalik ang lahat sa dati

paano yung samahan natin, nawalan ng silbi?

ayaw kong ipilit ang sarili ko sa iyo

ang akin lamang pag-isipan mo ito.

CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon