1st

5 0 0
                                    

Three months later...

Sunod-sunod na report ang natatanggap ngayon ng kapulisan sa bawat minuto na nagdaan na naging dahilan para umabot na iyon sa mataas na agency na kung tawagin ay ACA o Anti-Crimen Agency dahil tulad ng mga naunang report ay nakakatanggap na lang sila ng reklamo na ang buong baryo o lugar ng taong nagreport ay nawawala ng parang isang bula at napapalitan na lang ng mga dugo at mga buto nito.

At iisa lang ang nalalaman na sanhi ng kaguluhan nito at iyon ang naging kalabasan ng mga ibat-ibang propesor na nawala ng parang bula katulad ng ibang mga pulis na sumugod sa maliit na laboratoryo na iyon.

Ang taong nakaligtas lamang nung mga oras na iyon ay si Comander Steven Halk na ngayon ay nahihirapan at nagagalit sa mga napapanood niyang mga monitor kung saan ang mga tauhan niya ay sumugod sa lugar ng pinanggalingan ng mga report na isa-isang pinapatay ng ginawang human subject.

Tanda niya pa ang araw na iyon kung saan ay mawalansiya ng kanang hita dahil sa malaking saksak na ginawa doon dahilan para kinailangang putulin iyon kaya ang nagsisilbing permanenteng hita niya ay isang bakal.

"Comander" napalingon na lang siya ng may tumawag sa kaniya at mabilis na nagbigay galang. Nagsaludo naman siya doon at lumapit sa tauhan niya.

"May nakalap na ng impormasyon ang iba nating samahan tungkol sa subject" sabi nito dahilan napayukom na lang ang kamao sa galit si Steven.

"Tell me" pigil ang galit na sagot nito.

Agad na nagtungo ang dalawa sa isang maliit na sala at mabilis namang binigyan ng ibang tauhan ang Comander ng isang kape.

"Base sa impormasyong nakuha ng mga tauhan natin ay isang istudyante ang subject. At base din sa kaanyuan nito ay babae siya" simula ng tauhan niya at tumango-tango naman si Steven habang pinagmamasdan ang mga stolen shots na nakuha sa subject.

"Nag-aaral sa New Generation University ang subject at magiging Grade 12 student na sana" patuloy nito at tahimik namang nakikinig ang komander.

"Yung mga propesor na nag-eksperimento sa subject ay ang mga propesor na galing sa Amerika, France, Korea, Thailand, Italy, Japan, Spain, Vietnam, Dutch, Mexico, at isang Pilipino" dagdag nito dahilan para mapatitig si Steven sa tauhan.

"Nagsama-sama ang mga propesor at palihim na nagplano na gumawa ng isang kakaibang eksperimento at ang magiging subject nila sa eksperimentong iyon ay isang tao at isang Pilipino ang napili nila" napahawak na lang sa noo si Steven ng nakaramdam ito ng sakit kaya muli siyabg sumimsim sa kape.

"What else?" Tanong niya habang pinapakalma ang sarili.

"Sa ngayon ay hindi pa namin malaman kung sino ang babaeng iyon dahil sa tuwing may tatawag sa amin para magbigay ng impormasyon tungkol sa subject ay nawawala o napuputol at hanggang ngayon ay hinahanap pa din namin kung nasan na ngayon ang subject" sagot nito.

Napabuntong hininga na lang si Steven at napasandal sa couch na kinauupuan niya.

"Halos naging death city na ang kalahati ng Luzon dahil base sa mga nakukuha kong balita ay wala na ang mga taong naninirahan roon kaya ang mga katabing lugar na iyon ay nagsisilipat na sa mas malayong lugar at kahjt na gustuhin natin silang tulungan palikasin ay hindi natin magawa iyon dhail kulang tayo sa tao" namomoroblemang sambit ni Steven habang pinagmamasdan ang mapa ng Luzon na ang kalahati nito ay kulay pula na o ibig sabihin ay wala ng mga tao roon.

"Comander! May nakalap ulit kaming balita! Wala na ang mga taong naninirahan sa lower part ng Luzon! Phase out na ang buong Luzon!" Napalingon na lang ang dalawa sa anunsyo ng isang tauhan na ngayon ay pinapanood ang mga taong nagsisigawan at nagsisiiyak dahil sa takot.

MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon