2nd

9 0 0
                                    

"ASHLIE!" Malakas na sigaw ni Steven ng bitawan ng galamay ng subject ang anak nito pero babagsak na sana siya sa lupa ng mabilis na inabot iyon ng galamay ng subject at muling inangat sa ere.

Tuwang-tuwa naman ang bata at animo'y nag-eenjoy sa nangyayari.

"Sino ang pipiliin mo ngayon, Steven? Ang anak mo o ang asawa mo?" Agad namang napalingon si Steven sa subject at halos mapaupo na lang siya sa sahig ng makita ang asawa nitong nakapalupot ang buong katawan sa galamay nito.

Pilit na kumakawala ang asawa niya pero sa tuwing kumakawala siya ay lalong dinidiinan lang ang pagkapalupot nito sa kaniya kaya halos maiyak siya sa sakit.

"Please.. nakikiusap ako... huwag ang mag-ina ko..." nagbabadya ng tumulo ang luha ni Steven habang pinagmamasdan ang mag-ina niya.

Napangisi na lang si Annastazia at bumaba sa lupa kaya ngayon ay magkaharap sila pero malayo ang agwat. Nasa ere pa rin ang bata na enjoy na enjoy sa nangyayari habang ang asawa naman niya ay katabi ni Annastazia.

Bigla ay natigilan na lang silang lahat ng nakarinig sila ng pagkulo ng sikmura kaya napangisi na lang si Annastazia at soon ay nagsimulang bumuhos ang luha ni Steven.

"Grabe, nagugutom pa rin ako?" Nakangising sambit niya at pinagmasdan ang tingin ng mag-ina ni Steven.

"Naalala mo pa ba yung araw na sumugod ka sa laboratoryo? Hindi ko pa rin makakalimutan ang napakasarap mong amoy at sariwang dugo na nalasahan ko. Napakasariwa din ng laman mo nun, alam mo ba kung gaano mo ko kinatakam nun? Na halos ubusin ko na ang lahat ng tao para lang pawiin ang pagkatakam ko sayo pero wala pa rin akong nakukuhang kasing sarap mo"

Bigla ay nakaramdam ng gutom at pagkatakam si Annastazia na halos maglaway na siya habang taimting tinitingnan si Steven at takam na takam. Doon ay halos umiyak ang asawa nito at pilit na lumalayo.

Lumalim ang paghinga ni Steven ng makita niyang dahan-dahang binaba ng isang galamay ni Annastazia ang anak nito at hinarap sa harapan niya.

"So napaisip ako kung gaano ba kasarap ang isang anak ng Steven Halk?" Naglalaway na sambit nito at parang gutom na gutom na hayop na tiningnan ang tingin ng anak nito.

"HUWAG! HUWAG ANG ANAK KO!"  Sigaw ni Steven. Gustong-gustong paputukin ni Steven si Annastazia pero nababahala siya na baka ang mag-ina niya ang matamaan at madamay kaya halos hindi na siya mapirmi sa kinatatayuan niya.

"Takam na takam ako sa anak mo Steven! Ang lambot ng kaniyang balat, ang bango ng kaniyang laman at ang masarap nitong amoy ang mas nagpapagutom sa akin! Gustong-gusto kong lasapin sa bawat pagnguya ko ang bawat karne ng anak mo Steven!" Malakas na sambit ni Annastazia at pinanggigigilang tinitigan ang anak nito.

Lalong kumalat ang kulay pulang ugat sa gilid ng mata ni Annastazia at lumaki ang mata nito dahil sa pagkasabik.

Nang hindi niya na mapigilan ang pagkagigil ay malakas siyang suminghap ng hangin at malakas na kinagat ang balikat ng anak nito dahilan para mapasigaw ang bata at umiyak ng malakas.

"HINDE!" Sigaw ni Steven na napaupo na lang siya habang pinapanood ang bawat pagkain nito sa anak niya.

"Ahh... napakasarap.. mhmm... hinding-hindi ako magsasawa sa laman nito! Napakasarap... mhmm..." daing ni Annastazia habang inuubos ang laman ng bata.

Walang tigil sa pag-iyak ang asawa ni Steven habang pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakapalupot sa kaniya pero wala itong magawa dahil nakapalupot sa buong katawan nito ang galamay na pati ang bibig ay natatakpan.

Dinadilaan pa ni Annastazia ang gilid ng labi niya ganun din ang mga daliri nito ng matapos at malaking napangisi sa harap ni Steven na ngayon ay pinagmamasdan ang buto ng kaniyang anak.

MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon