4th

1 0 0
                                    

Agad na nabilaukan si Tazia pagkalunok niya ng kinakain matapos sabihin iyon ni Annastazia dahilan para mapangisi ito at mabilis namang inabot ni Tazia ang tubig at linagutok ng inom.

"Nababaliw ka na? At ano sa tingin mo? Na papayagan kita sa binabalak mo? Aba tumino-tino ka Annastazia dahil hindi kita papayagan na doon ka naman maghasik ng lagim" banta ni Tazia at lalo lang lumaki ang ngisi ni Annastazia sa labi at lalong tinitigan ang dalaga.

"Bakit? Makakayanan mo ba na tumagal ng isang araw lang na hindi nakakain ng tao? Baka magaya ka lang kanina na halos mawala ka na sa sarili" ngising sambit nito at presenteng humiga sa mahabang lamesa.

"Ikaw na babae ka! Tumigil ka kung hindi--"

"Kung hindi ano? Papatayin mo ko? Well, kapag pinatay mo ko ay mapapatay mo na din ang sarili mo" ngising sambit ni Annastazia na ngayon ay katabi niya na at sumandal roon.

"Kung ganun ay pag-aaralan ko na kontrolin ang sarili ko. Pipigilan ko ang katawan kong kumain ng tao dahil hindi makakaya ng sikmura ko na makita na--"

"Hindi makakaya pero habang kinakain mo ang bata ay sarap na sarap ka" pagputol ni Annastazia dito at mabilis na lumingon si Tazia doon at dinuro.

"Hindi ako gumawa nun! Nang dahil sayo kaya nawala siya! Nawala ang bata!" Halos gawin niya na ang sarili niya para pigilan ang sarili na sumigaw.

"Paanong nawala e kinain mo lang naman ang batang Chloe" nakangising sambit nito.

Pumikit na lang si Tazia at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili niya.

"Ikaw kung wala ka ng magawa sa buhay mo ay--" natigilan na lang si Tazia sa pagsasalita dahil kasabay ng pagmulat niya ng mata ay hindi si Annastazia ang nakita niya kundi ang comander ng agency na tinitirhan niya na si Steven Halk.

"C-Comander" bati nito at mabilis na tumayo at yumuko. Pagkayuko niya ay napansin niya si Annastazia sa gilid ng comander at takam na takam habang pinagmamasdan ang kanuuan ng comander.

Halos gawin na ni Tazia ang lahat para pigilan na sawayin si Annastazia na ngayon ay nawawala na naman sa sarili dahil nagsilabasan na naman ang mga pulang ugat sa paligid ng mata nito dahilan para masakop ang buong mukha niya. Nag-iba din ang kulay ng mata nito at ang mga galamay nito ay nakapalibot sa comander.

"We receive a report that Chloe Reyes is missing and ang nakitang huling kasama ng bata ay ikaw, Ms. Tazia Leonheart. May alam ka ba kung saan nagtungo ang bata?" Seryosong tanong ko at napalunok na lang si Tazia dahil kilala niya ang comander.

Malalaman ng comander kung nagsasabi ba ng totoo ang taong nasa harapan niya o hindi kaya matindi na lang ang naramdaman niyang kaba.

"Hayaan mong ako ang sumagot ng tanong niya, Tazia. Dahil lalo lang akong natatakam sa kaniya habang nakikita ko siyang nabubuhay at humihinga!" Takam na takam na sambit ni Annastazia sa isip nito.

"I'm sorry po Comander pero hindi ko po talaga alam kung nasan si Chloe. May balak na nga po sana akong hanapin siya pagkakain ko" palusot nito at halos kagatin niya na ang dila pagkasalita.

"Ako na ang sumagot sa kaniya, Tazia. Please!... Takam na takam na ako sa taong iyan! Gustong-gusto kong paglalasugin ang laman loob niya at lulukutin ang mga atay at baga niya!" Hindi na napigilan ni Annastazia na lalo siyang matakam dahil matindi na ang pagkasabik at pagkatakam sa kaharap nila ngayon.

"Kung ganun ba. Sige aasahan namin ang iyong report mamaya" seryosong sambit ni Steven at walang emosyong tumalikod papalayo.

At ng nakalayo na siya ay halos mapaupo na lang siha at mapabuga ng hangin. Doon niya lang napansin na kanina niya pa pala pinipigilan ang sarili niyang pakawalan si Annastazia dahil nakaramdam siya ng matinding sakit sa likod niya kung saan lumalabas ang mga galamay nito.

MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon