3rd

4 0 0
                                    

TATLONG linggo na ngayong namamalagi si Tazia sa loob ng ward na kung saan ay kasama niya ang ibang mga taong naligtas at nag-evacaute sa agency. Naging normal na din ang paninirahan ni Tazia at walang maalala kung sino at ano ba talaga siya.

Masayang nakikipaglaro si Tazia sa mga batang naroon na may lumapit na isang batang babae na si Chloe at umupo sa tabi niya.

"Ate Tazia ilang taon na po kayo?" Tanong nito at ngukiti naman si Tazia at hinaplos ang ulo nito.

"Eighteen na siguro ako ngayon" nakangiting sagot niya.

Natigilan na lang siya ng may narinig siyang isang tunog na napasariwa, para itong tunog ng pagsabog ng sariwang tubig o ano.

"Eighteen ka na ba talaga, Tazia? Napakagaling naman ng iyong memorya"

Bigla ay nanlaki na lang ang mata ni Tazia at mabilis na tinakpan ang tenga nito gamit ang dalawang kamay. Lumalim din ang paghinga nito at bumilis ang tibok ng puso nito.

"Naalala mo kung ilang taon ka na pero ako? Naalala mo ba kung sino ako?"

Muli na naman siyang nakarinig ng boses sa isip niya dahilan para mapasigaw ito. Napaluhod na din siya sa kaniyang pwesto at doon ay nakita niya sa repleksyon ng sahig na unti-unting nagsisilitawan ang mga pulang ugat sa paligid ng kaniyang mata at dahan-dahang sinasakop ng kulay itim ang kaniyang mata at nagiging pula ang pupil nito.

"Arghhhhhhhh!"

"Ate Tazia anong nangyayari sa inyo?" Naiiyak na tanong ni Chloe at dahil sa sigaw ni Tazia ay mabilis ding lumapit ang mga ibang bata at para pakalmahin siya o ano.

"Mhmm... napakasarap ng mga laman nila... tatlong linggo na din nung hindi na ako nakakakain ng maayos. Alam mo ba yun ha, Tazia?"

"Manahimik ka! Manahimik ka! Manahimik ka!" Sigaw ni Tazia habang madiing tinakpan ang tenga nito. Tuluyan ng nagbago ang kulay ng mata niya at bumalik kung ano ba talaga ang kulay nito three weeks ago.

"Tazia huminahon ka!" Mabilis siyang linapitan ng mga nurse at pinipilit na pakalmahin pero nanatiling nakayuko si Tazia at ang buhok niya ay nakakalat sa harapan dahilan para hindi nila makita ang mata nito.

Nakaramdam din siya ng kiliti sa bandang likuran nito na parang may lalabas kaya bago pa man mangyari iyon ay mabilis siyang tumayo at bumalik sa kaniyang kwarto.

Pagkapasok niya ay mabilis niyang inilock iyon at napalingon na lang siya sa salamin sa gilid nito at nanlaki na lang ang mga mata niya ng makita ang itsura niya.

Bumilis ang paghinga nito at sumigaw ng malakas kasabay ng pagsuntok roon.

"Ang daming taong nasa paligid, Tazia... kumain ka naman ng kahit isa... alam ko na nahihirapan kang kumain nitong nagdaang araw dahil hindi talaga pagkain ang hinahanap ng sikmura mo, kundi tao..."

"Manahimik ka! Manahimik ka! Manahimik ka! Hindi kita kilala at hindi kita alam! Umalis ka na sa isip ko!" Sigaw nito pero nakaramdam na lang siya na parang bigla na lang may yumakap sa kaniya mula sa likuran kaya dahan-dahan niyang tiningnan kung sino iyon at bigla na lang umukit ang takot sa mukh niya ng bigla siyang nahallucinate dahil isang Tazia ang nakikita niya ngunit kulay violet ang buhok nito at gaya ng nasq buong mukha at mata niya ay maugat din ito at iba ang kulay ng mata.

"Sabihin mo lang ang pangalan ko, Tazia... tutulungan kitang punuin ang sikmura mo..."

Marahang bulong nito sa kaniya at marahamg hinahaplos ang pisngi nito. Napapikit na lang si Tazia at pilit na hindi pinapansin ang naririnig niyang boses.

MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon