5th

3 0 0
                                    

Lumipas ng apat na linggo ay kahit na bihira na lang lumabas si Annastazia at lalabas lang ito para kumain ay malaki na agad ang naging pakiramdam niya na ang mga taong nasa paligid nila ni Tazia ay palihim silang pinagmamasdan.

Dahil hindi tulad ng nakaraan ay walang pake ang mga tao sa kanila pero simula ng sumugod ang comander na si Steven Halk sa dorm nila ay naging masunuri na ang mga taong nasa paligid sa kanila at naging bihira na din ang mga taong lumapait sa kanila.

Ngayon ay nasa canteen si Tazia para kumain ng tanghalian at gaya ng inaasaha ay siy lang ang mag-isang kumakain sa mahabang table at halos hindi iniinda ng mga taonh kasabayan niya na magsiksikan sa isang table.

Malakas din ang pakiramdam ni Annastazia na palihim silang pinagmamasdan ng mga taong nasa paligid nila.

"Wala ka bang napapansin sa paligid mo, Tazia?" Biglang tanong nito kay Tazia na masayang kumakain sa harapan niya.

"Ha? Wala naman, bakit?" Sagot ni Tazia at sandaling tiningnan ang paligid niya at ganun na nga lang ang pagiging seryoso ni Annastazia ng mabilis na nagsiiwas ng nga tingin ang mga taong nasa paligid nila at bumalik sa kanilang mga ginagawa.

Pansin din ang sobrang tahimik ng buong canteen na animo'y pilit na pinapakinggan ang bawat sasabihin ni Tazia.

"Simula ngayon ay hinaan mo na ang boses mo kaoag kakausapin mo ko, malakas ang kutob ko na pinagmamasdan tayo ng nga tao sa paligid natin" seryosong sambit ni Annastazia dahilan para kunot-noong nag-angat ng tingin si Tazia at tiningnan si Annastazia.

"Ano bang pinagsasabi ha, Annas--"

"Huwag mong babanggitin ang pangalan ko!" Pigil nito kay Tazia ng babanggitin niya ang pangalan nito dahilan para lalong mangunot ang noo ni Tazia.

"Malakas ang loob ko na simula na sumugod si Halk sa dorm natin ay pasimple na niyang inutos ang mga tauhan nito na pagmasdan tayo kaya ingatan mo ang bawat salitang ilalabas ng bunganga mo" dagdag nito dahilan para lalong hindi niya maintindihan ang kinikilos ni Annastazia.

"Alam mo? Siguro nasobrahan ka lang sa pag-aadik mo Annastazia kaya ka nagkakaganyan" iiling-iling na sambit ni Tazia at ganun na lang ang alerto ni Annastazia ng may isang taong tumayo mula sa kabilang table at mabilis na naglakad palayo.

"Huwag mo siyang hayaan makawala!" Sigaw nito.

"Ha? Ano bang--woah!" Ganun na lang ang gulat ni Tazia na walang hirap na kinontrol ni Annastazia ang katawan nito at mabilis na sinundan ang taong lumabas.

At ganun na lang ang alerto ng mga taong naiwan sa canteen na mabilis na nagsitayo at pumunta sa agency para magreport pero ganun na lang ang gulat nila ng may malaking galamay na humarang sa pintuan at mabilis na pinatay ang mga tao naroon.

Tila ay ngayon lang napansin ni Tazia ang ganung kilos ni Annastazia dahil mabilis silang nagpalit na ngayon ay si Annastazia nag kumokontrol ng katawan habang si Tazia ay walang kaalam-alam sa nangyari.

Nang lumingon si Tazia mula sa canteen ay ganun na lang ang gulat niya ng makita niya ang mga galamay ni Annastazia na naroon at pinagpapatay ang mga tao sa loob.

"Ano bang nangyayari sayo, Annastazia?! Ikaw ang magpapahamak sa atin!" Sigaw nito at mabilis siyang nakaramdam ng matinding kaba.

"Ikaw ang gumawa ng mas ikakapahamak natin dahil sinabi mo ang pangalan ko, Tazia!" Nagpipigil ng galit na sagot ni Annastazia at ng malapit na sa agency ang tao ay mabilis na inabot ng isa niyang galamay ito at walang kahirap-hirap na pinatay.

"Ako? At paano naman ako? Ano ba na hindi pwede na banggitin ang pangalan mo? Parang kelan lang gustong-gusto mo na banggitin ko ang pangalan mo tapos ngayon ayaw mo na?" Naguguluhang tanong ni Tazia dahilan para mapabuntong hininga na lang si Annastazia at mabilis na tinago ang bangkay ng tao.

MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon