UNANG pagkakataon iyon ni Ken na lumapit sa isang maganda at sexy na babae. Ang kadalasan ay ang mga ito ang lumalapit sa kanya, lalo pa kung nagpapahila siya sa kaibigan niyang si Nigel na magpunta sila sa mga bar.
Ang likod ng babae ang una niyang nakita kanina at sa kakatwang dahilan ay naramdaman niyang in distress ito kaya lumapit siya. At hindi niya inakalang ang babaeng iyon pala ay si Amber Caliente, ang makulit na apo ni Lolo Horacio na kapitbahay nila noon.
Tandang-tanda pa niyang kada-summer vacation ay nagbabakasyon si Amber sa Tierra Roja. Magiliw dito ang kanyang mga magulang at dalawang nakakatandang kapatid kaya lagi ito sa kanilang bahay, bagay na kinaiinisan niya dahil nakukulitan siya dito. For someone like him who had always been a hermit, it was an utter annoyance to have a young girl around who seemed to have an obsession to intrude his privacy. Yes, he was a snob and a loner.
At hindi gaya ng inaakala ng karamihan ay hindi sanhi ang personalidad ni Ken ng anumang hindi magandang karanasan noong kabataan niya. He was not abused or bullied. May mga kaibigan siya, pinakamalapit sa kanya si Nigel na classmate niya mula pa elementary. Bilang bata ay nakipaglaro din siya sa mga kaedad niya. Ngunit mas nalilibang siya kung siya ay nag-iisa. He liked reading books about espionage, thriller-suspense and science fiction. He liked comics and mangas as well. Gusto niyang nagkukulong lamang siya sa kuwarto at nanonood ng mga pelikula o ng mga paborito niyang TV programs kaysa maglakwatsa sa labas. Sabi nga ni Nigel ay geeky daw siya ngunit ayaw niyang aminin iyon hanggang ngayon. Hindi siya anti-social dahil sa mahiyain siya. Malayo siya sa pagiging mahiyain. He was simply a snob and he chose to stay that way.
Ayaw din ni Ken ng ugali ni Amber. Straight-forward at gutsy kasi ito masyado. Paano ba niya malilimutan ang gabing sinabi nitong gusto siya nitong maging boyfriend at ito pa mismo ang nagyayang makipagsayaw? Major turn off. Ayaw niya ng mga agresibong mga babae. Lalong-lalo na si Amber na isang taga-Manila na iniisip yata palagi na lahat ng lalaki ay nababaliw dito. Well, not him.
Hindi na sila nagkita pa ni Amber mula noong gabing iyon at hindi na niya inaasahan na magkikita pa silang muli matapos maibenta ang bahay ni Lolo Horacio. Hanggang sa dumating nga ang araw na ito. Akalain ba niyang heto na si Amber Caliente? Hindi ganito ang hubog ng katawan nito noon. Mas nagkaroon na ito ng mga kurbada na litaw na litaw sa suot nito ngayong maiksing puting shorts at kulay-melon na halter-top.
Mula sa pagkukumpuni ng sirang gulong ng kotse ni Amber ay hindi napigil ni Ken ang magnakaw ng mga sulyap sa mapuputi at makikinis na binti't hita nito. Napapatagal tuloy ang pagpapalit niya ng gulong ng Equinox dahil sa distraksiyong iyon.
Beautiful distraction, he thought. Hot and beautiful...
Pagkuwa'y namura niya ang sarili nang makaramdam ng init at panunuyo ng lalamunan na alam niyang hindi lamang sanhi ng tirik na
tirik na araw. Screw him. Maybe he was just being horny because it had been months already since he got laid? Nasa siyudad sa kabilang probinsiya si Nigel kung saan naroroon ang main branch ng chains ng mga botikang pag-aari ng pamilya nito, hindi na ito gaanong nagagawi sa Tierra Roja. Nagsawa na rin yata ang gago sa kapipilit sa kanyang mag-nightout sila, o baka nakahanap na ng girlfriend na pakakasalan. Hindi na siya magtataka, hindi suplado si Nigel kagaya niya. Getting girls was always easy for his friend. Samantalang kung hindi pa nagsusumikap at nagpupumilit ang mga babaeng lumapit sa kanya ay matagal nang naging mummy ang kanyang alaga.
May maliit na pagnanais sa loob-loob ni Ken na kamustahin si Amber, tanungin kung ano ang ginagawa nito sa Tierra Roja, ngunit nagpigil siya. Whatever brought her here was none of his fucking business.
"Thank you," sabi ni Amber sa kanya nang sa wakas ay matapos na siya sa ginagawa.
Nang tumayo siya at muli silang nagkaharap ng babae ay napansin niyang pawisan din ito kagaya niya. Well, at least she didn't leave him under the sun by himself. Kasama niya itong nasunog ng araw. Hindi na pala ito kasing-arte ng dati na kuntodo-suot ng malaking sumbrero sa ulo at malaking payong kapag naglalakad sa ilalim ng araw.
Hindi niya naiwasang titigan ito sa mukha. She always thought that when a girl aged, she would be less beautiful and charming. But this girl— this woman in front of him was different. Ang maturidad na nadagdag sa itsura nito ay mas lalo lang nagpaganda sa mukha nito, mas nadagdagan ng intensity, ng substance. Also, her maturity made her
look more confident, shrewd and... hot. Very, very hot!
May boyfriend na kaya ito? Fuck! Anong pakialam niya doon? Sa ganda pa lang nito ay malabong hindi pa ito nagkaka-nobyo, lalo pa't nakatira sa siyudad. Baka nga may asawa na, o live-in partner. Teka nga muna, bakit ba pinag-iinteresan niyang isipin ang status nito?
"No problem," sabi ni Ken. He started to feel uneasy and self-conscious when he caught Amber eyeing his chest and abs. Awtomatiko siyang napatikhim.
"N-nadumihan na ang shirt mo," sabi naman ni Amber.
Ikinibit niya ang mga balikat. "Okay lang."
Magpapaalam na sana siya nang muling magsalita ang babae. "Baka hindi ka pa pala kumakain," anitong sinulyapan ang restaurant sa kanilang harapan. "I'm sorry, naabala na kita."
"It's alright," malamig niyang tugon. "Sige," paalam na niya.
Noon na lamang niya naramdaman ang gutom na siyang dahilan sana kanina kaya siya nasa parking lot ng restaurant na iyon. Kakain siya sa labas ngayon dahil kinakailangang abandunahin muna ang kanilang ancestral home kung saan siya nakatira kasama ang kanyang mga magulang. May renovation at restoration na isinasagawa doon na tatagal pa ng dalawang linggo. Sa bahay ni Lantis pansamantalang manunuluyan ang mga magulang niya at siya naman ay nagpasyang mag-check-in sa isang lodge sa Sunglo.
"Can I at least buy you a cold drink?" alok ni Amber nang nakadalawang-hakbang siya palayo dito.
Bahagya niya itong liningon. Her sultry image— sweaty and breathing heavily under the sun was strangely giving him an urge to say yes to her offer. Pero kahit kailan ay malakas pa rin ang kontrol niya sa sarili. Umiling siya dito ngunit parang napakabigat yata ng ulo niya't pilit na pilit ang paggalaw niyon.
"No, thanks," malamig niyang pagtanggi.
Nakitaan niya ng pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Amber. Nilukuban iyon ng dilim nguni sandali lamang iyon, mabilis nitong nabawi ang composure at ngumiti nang matamis sa kanya. Ngiting muntik nang nagpatapilok sa kanya sa kanyang muling paghakbang palayo dito.
"Okay," ika ng babae na halatang pinuno ng kumpiyansa ang boses. "Maraming salamat uli sa tulong, Kenobi."
PAGKATANAW ni Amber kay Ken na pumasok sa loob ng pinanggalingan niyang restaurant ay nagmamadali siyang pumasok ng kanyang kotse at binuhay ang makina niyon, ngunit hindi niya ito pinaandar, bagkus ay nanatili lamang siya sa loob niyon at nagpalamig sa air conditioner. Sa gitna ng pagkawindang sa pagkakakita niyang muli kay Ken ay nagbalik-tanaw siya noong panahong kinahumalingan niya ang lalaking ito...
Dalagita na noon si Amber at natural na nag-uumpisa na siya noong maakit sa opposite sex. Naging crush niya ang mga miyembro ng iba't-ibang boybands, mapa-Asian man o Caucasian. Wala siyang pakialam noon sa mga kaedad at personal niyang kakilalang lalaki dahil lahat ng mga ito ay hindi naging interesante sa kanya. They were all the same— boyish, carefree and wild. Hindi rin naman naging interesante sa kanya si Kenobi Celeste hanggang sa isang araw ay nakita niya itong nagbabasa ng libro ni Tom Clancy habang nakaupo sa lupa at nakasandal sa isang puno sa likod ng ancestral home ng pamilya nito. She was fourteen and he was fifteen. Wala pa siyang kakilalang kinse anyos na nagbabasa ng ganoong klaseng genre. Mula sa kinatatayuan niya ay pinagmasdan niyang mabuti si Ken na tila walang pakialam sa buong paligid nito, tila dinala ng librong hawak ang buo nitong mundo sa kung saan man. He looked mysterious, charming even...
Magmula nang araw na iyon, sa tuwing nagbabakasyon si Amber sa Tierra Roja ay sinikap niyang makipagkaibigan kay Ken. Ngunit suplado ang lalaki at panay ang iwas nito sa kanya. Mabait naman sa kanya ang Ate Jerusha at Kuya Atlantis nito, pati na rin ang mag-asawang Celeste.
Ngunit kung mas iniiwasan siya ni Ken ay mas lalo naman siyang lumalapit. Kinakausap niya ito, kinukulit. Naririnig din niya noon na pinapagalitan si Ken ng mga magulang at dalawang kapatid dahil sa trato nito sa kanya, ngunit hindi pa rin ito natinag. Pinanindigan talaga ang pangde-deadma sa kanya. Hanggang sa gabing ipagtapat niya dito na may gusto siya dito at niyaya pang isayaw siya.
She was rejected. In. Her. Face.
BINABASA MO ANG
Dreamlovers: Kenobi and Amber (PREVIEW ONLY)
RomanceFormerly titled Dreams of Passion: Kenobi and Amber PREVIEW ONLY. JOIN MY FACEBOOK VIP GROUP TO READ THE COMPLETE STORY.