"IS this what you want?" anas ni Ken at inilapit ang sarili kay Amber. A smile of triumph flashed in her lovely face as he thrust his head closer to hers.
"Did you just ask yourself, Ken?" tanong naman nito pabalik sa kanya, sabik sa susunod niyang gagawin. "Am I what you really want?"
Ken cussed himself in his mind as he lightly brushed his lips over hers. Her lips felt so velvety soft. He wondered what her entire mouth would taste like...
Fuck you, Kenobi! bulyaw niya sa sarili mula sa loob-loob. Sa loob-loob niyang mabilis na nilulukuban ng purong pagnanasa sa sandaling iyon.
"Do it, Ken," Amber whispered in her sexy voice. "Kiss me."
I will succumb to this madness, just once. One last time, pangako ni Ken sa sarili at mariing hinalikan si Amber sa bibig. The kiss was not something that he expected. It was... Jesus Christ. It was beyond explosive.
Lumapat ang mga kamay ni Amber sa kanyang pisngi, hinaplos siya sa leeg, sa batok, sa kanyang buhok habang sinasagot nito ang mainit niyang halik. He suckled and licked her lips; their tongues probed each other and the moans from their throats were driving him more dissolute. Amber bit his lower lip and then she pulled away. Mas lalo lamang siyang kinain ng init dahil doon. Muli niyang inilapit ang bibig sa mga nanunuksong labi ng dalaga at muli itong sinalakay ng halik. Hindi na nalabanan pa ni Ken ang nakatagong kagustuhan ng sarili, mula sa bibig ni Amber ay bumaba ang mga labi niya sa lalamunan nito, tinikman ito doon.
"Ooh, Ken," ungol ni Amber na lalong nagpabaliw sa kanya.
She writhed in her seat when he placed his hand over her breasts and kneaded one mound. Ang isang kamay niya ay humimas sa nakatambad na hita ng babae. Naglulumikot na rin ang mga kamay ni Amber, humahaplos sa kanyang dibdib, pababa sa kanyang tiyan. He felt an aching hard-on, his blood was running warm and wild in his veins. He realized he just put himself in a deep, deep shit.
Inipon ni Ken ang natitirang matinong parte ng kanyang pag-iisip at ubod ng hirap niyang tinigilan ang ginagawa. Nagpu-protesta ang bawat himaymay ng kanyang katawan ngunit pinanatili niyang mag-isip ng diretso.
Humihingal sila pareho ni Amber nang ihiwalay niya ang sarili mula dito. Hindi niya maitatago sa kanyang mukha ang pagkabitin at iyon din ang nababasa niya sa mukha ng babae. But he had to stop. Nahalikan na niya ito— labis pa sa halik. Kailangan nang magtapos doon ang pagpatol niya sa laro ni Amber.
Tahimik niyang binuhay ang makina ng kotse at hindi na sila nag-imikan pa nito hanggang makarating sila sa Sunglo.
INIIWASAN na niya ako! tili ni Amber sa isip nang masalubong si Ken sa walkway ng lodging area ng Sunglo at nag-iba ito ng daan pagkakita nito sa kanya. Hindi na niya maintindihan ang lalaking ito! Noong isang araw lang ay mainit silang nagsalo sa higit pa sa halikan ngunit heto ito ngayo't balik sa pangde-deadma sa kanya.
"Nasaan ka na?" inis na tanong niya kay Matt nang tumawag ito sa kanya.
"Hindi ba sabi ko kagabi, sa isang araw pa ako darating diyan?" sagot ng kaibigan. "Bakit ba ang sungit mo?"
Ikinuwento niya ang ginawang pag-iwas sa kanya ni Ken, ngunit nagpasya siyang huwag isali ang ginawa nila ng binata sa loob ng kotse nito. She decided to keep that beautiful moment to herself alone.
Napangiti siya nang maalala ang nangyari, kung anong klaseng sensasyon ang dulot niyon sa kanyang sarili. She was hot all over. Daig pa niya ang sinisilaban nang buhay. Hindi na siya bago sa halikan dahil naranasan na niya iyon kay Richmond, pero ang higit pa roon... Hindi niya inaasahang ganoon pala ang pakiramdam. Paano na lang kung ang eksena sa kanyang panaginip ang maranasan niya? Sure she had felt the erotic sensation from her wild dream, but now, she was dying to know what it would really felt like in reality.
"Pakipot pa pala ang lalaking 'yan!" natatawang sabi ni Matt.
"Nakakainis nga, eh!" reklamo niya. "You gotta help me, Mateo. Tulungan mo ako sa quest kong ito."
"Gaga! Ano naman ang maaari kong gawin para sa inyo? Tutukan ng balisong si Ken para ma-in-love na sa iyo? Alam mo namang peace-loving citizen ako, 'no? Wala sa dugo ko ang kahit kaunting violence, Amber. Saka hindi ko bagay maging bayolante!" eksaheradong sabi ni Matt.
"Loka!" natatawa niyang sabi. "E, basta, bilisan mo nang pumunta dito. Saka na ako mag-iisip ng pupuwede mong gawin."
"Naku, Amber, ha? I know how devious you are, huwag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo sa huli. Naaalala ko pa ang ginawa mo kay Richmond."
Ayaw noon makipagkalas kay Amber si Richmond kahit ayaw na niyang makipag-date dito, panay pa ang pang-i-stalk nito sa kanya. Ang ginawa niya ay kinausap niya ang isang guwapong sales representative ng CalMed at kinasapakat itong umastang boyfriend niya. Tumalab naman iyon at tinantanan na rin siya sa wakas ni Richmond.
"I got desperate on Richmond. Alam mong sobra niyang kulit kaya kinailangan kong magsinungaling. Saka hindi ko pinagsisisihan iyon, ano? And you know me, Matt. What Amber wants, Amber gets. And, I realized that I really wanted Ken to be mine. Isa pa, iyan din ang sinasabi ng panaginip ko. At kaya ako nandito ngayon para patunayan ang kapangyarihan kuno ng quilt na iyon. Ginagawa ko lang ang parte ko sa tadhana, ano?"
Nanatili si Amber sa labas ng Sunglo buong maghapon, naglaro siya sa mini-golf court at nang humapon ay nagpasya siyang maligo sa palanguyan ng resort, hindi sa pool sa lodging area, kundi sa mismong puntahan ng mga tao. Mula sa pagkakahiga sa lounge chair doon ay natanaw niya sa harapan ng restaurant si Ken, kausap uli si Ericka. Sumimangot siya sa natunghayan. Bakit mukhang mabait ang lalaking ito kay Ericka at halos sipain naman siya palayo nito? Oo nga't napatunayan niyang may pagnanasa din sa kanya si Ken, ngunit hanggang doon na lamang ba ang kaya niyang makamit mula dito?
Nang gumabi ay inabutan ni Amber si Ken sa loob ng restaurant ng resort. Sinadya niyang pumuwesto sa katabing mesa nito.
"So, you're still all over that girl, huh?" sabi niya sa lalaki na sa pagkain lamang ang tingin. Sinikap niyang huwag magtonong mapait ang boses ngunit nabigo yata siya.
"It is none of your business kung sino mang babae ang gusto kong kausapin dito," sabi ni Ken na hindi tumitingin sa kanya.
Damn it! Si Ericka ba ang dahilan kaya nagpipigil si Ken sa pagnanasa nito sa kanya? Hindi yata niya iyon nagugustuhan.
Pilit niyang pinakaswal ang boses. She had swore long time ago that no one could break her disposition. Not even this man that she was crazy with. "Hinahalikan mo rin ba si Ericka katulad ng ginawa mo sa akin?"
Natigil si Ken sa pagnguya. Uminom ito ng tubig upang itulak ang pagkain sa lalamunan bago ito tumingin sa kanya. "Gaya ng sinabi ko, wala ka nang pakialam doon," kaswal ding sabi nito bago nito ibinalik sa pagkain ang atensiyon at umaktong parang wala siya sa loob ng kainan.
Pakiramdam niya tuloy ay nagkaroon siya ng superpower nang mga sandaling iyon, ang maging invisible.
Hindi na siya nagsalita pa. Ngunit sa loob-loob ay mas lalo lang nagatungan ang kagustuhan niyang mapasakanya si Kenobi Celeste.
END OF PREVIEW.
Join my Facebook VIP Group to read the complete story. Searcn TheMandieLee and message us. Thank you.
BINABASA MO ANG
Dreamlovers: Kenobi and Amber (PREVIEW ONLY)
RomansaFormerly titled Dreams of Passion: Kenobi and Amber PREVIEW ONLY. JOIN MY FACEBOOK VIP GROUP TO READ THE COMPLETE STORY.