TROUBLE. Iyon ang unang salitang pumasok sa isip ni Ken tungkol sa pagkakaengkuwentro niya kay Amber Caliente. Akalain ba niyang nasa Sunglo din ito?
What happened to him last night was just so crazy. Nagulo nang husto ang pagkalalaki niya. Nang maisipan niyang patulan ang kabaliwan ni Amber ay siya itong muntik nang bumigay. He was just really planning to tease her. Pero ni hindi pa naglalapat ang kanilang mga labi ay naramdaman na niyang nasa panganib si Manoy. He had an erection right there!
Shit. Ayaw niyang magkulong sa kanyang lodge maghapon upang iwasan lamang si Amber. Sabado ngayon at walang gawain sa Vista Verde at tinatamad naman siyang gumala sa lumabas. Mas gusto sana niyang tumambay na lang sa swimming pool ngunit paano kung naroroon na naman si Amber suot ang pamatay nitong bikini? Ayaw niyang magkalat sa ilalim ng sikat ng araw!
Pasado alas-nueve na ng umaga nang magpunta siya sa pantry ng lodging area upang kumain ng almusal. May complimentary breakfast na nakahain doon para sa mga occupants. Nakahinga siya nang maluwang nang hindi niya nadatnan doon si Amber.
Umalis na kaya siya? he wondered as he sat down with steaming black coffee and bagel with cream cheese. Fuck! Anong pakialam niya kung sa Pluto man nagpunta ngayon si Amber?
Habang kumakain ay tuksong bumalik sa kanya ang mga eksena sa tabi ng swimming pool na hindi nagpatulog sa kanya kagabi. How Amber
stretched out her long, shapely and smooth legs that looked so supple to the touch. How he imagined running his hands and mouth over them going higher, to where her thighs met. Iyon ang dahilan kaya pilit siyang nag-walkout mula sa babae, dahil ramdam na niya noong mga sandaling iyon ang napipintong pagkakalat. Ngunit nang hamunin siya nito pagkatalikod niya ay hindi rin siya nakatiis na hindi ito patulan.
Amber had that power over him. Kung noon ay kayang-kaya niya itong iwasan, ngayon ay mahihirapan yata siya. It took him a lot of self-control to fight the urge to claim her mouth in a wet deep kiss. How he wanted to taste her, devour her... At nauna nang nag-react ang ibaba ng kanyang puson. Screw his raging hormones!
Munting siyang nasamid mula sa paghigop ng kape nang mamataan si Amber na papasok ng entrada ng pantry. Naka-gym shorts ito ng kulay abo at maliit na purple t-shirt. Gulo-gulo pa ang hanggang batok nitong buhok, halatang kagagaling pa lang sa kama dahil puro hikab ito habang papalapit sa coffee maker. She was gracefully walking and seemed oblivious to her sorroundings. She looked stunning.
Nalintekan na. Tinubuan na nga siya ng matinding atraksiyon at pagnanasa kay Amber. Masisisi ba naman niya ang sarili? Hindi niya alam ang eksaktong intensiyon ni Amber pero hindi niya naman mapigilang isipin kung ano ang susunod na gagawin nito sa kanya. She was exciting him! He even felt a twinge of dismay if ever she decided to leave Tierra Roja. Parang gusto pa niyang manatili ang babae doon at makipaglaro sa kanya.
Shit, nababaliw na siya! Or maybe he was just fucking bored with his routinary life. Baka kailangan na niya ng bagong dibersiyon maliban sa mga libro at TV. And maybe encountering a hot woman last night was just exactly what he needed to sprinkle some spices in his bland life.
"Good morning," bati niya kay Amber pagkakuha nito sa kape.
Gulat naman itong napaharap sa kanya, gulat na umigting nang ngitian niya ito nang matipid. Daig pa nito ang nakakita ng tiyanak sa umagang mataas na ang araw. Nakakagulat ba ang ngiti niya? May fear factor?
"'Morning," groggy nitong bati pabalik at pumuwesto sa katabi niyang mesa.
Nadismaya siya't hindi sa kanyang mesa ito nakiupo. Hindi niya naman ito itataboy kung sakali. Papatulan nga niya ang anumang laro nito sa kanya, hindi ba?
BINABASA MO ANG
Dreamlovers: Kenobi and Amber (PREVIEW ONLY)
RomanceFormerly titled Dreams of Passion: Kenobi and Amber PREVIEW ONLY. JOIN MY FACEBOOK VIP GROUP TO READ THE COMPLETE STORY.