Chapter 3: Eavesdrop
Narito na ako ngayon sa magiging kwarto ko habang nananatili sa mansion. Mas maluwag pa ito kaysa sa inaasahan ko. Maaliwalas ang paligid dulot na din ng naka bukas na pintuan ng beranda pati na rin ang kulay asul na paligid sa silid.
Malaki ang kama na nasa pinakagitna ng kwarto. Sa kanan ay ang antic na kabinet at sa kaliwang bahagi ng kama naroroon ang side table kung saan nakapatong ang lampshade.
Malaki ang mansion at malawak. Pambungad dito ang malaking gate na napapalibutan ng iba't-ibang bulaklak. Pag pasok naman ay bubungad sa iyo ang magandang interior design. Malinis ang sahig at makikintab. Ni kahit na anomang dumi ay wala kang makikita.
Alagang-alaga ang buong mansion. Ngunit ang kataka-taka nga lang ay hindi lalagpas sa lima ang mga taong nagbabantay dito. Bumaba na ako matapos kong ayusin ang mga gamit. Sobrang lawak ng mansion at madaming kwarto. My bedroom is located at the 3 floor of the mansion. Muli ko na namang naalala ang babalang ibinigay sa akin ni Mang Rosa- ang mayordama sa mansion.
" Nasa third floor ang tutuluyan mong kwarto. Pwede kang mamili ng kahit anomang kwarto doon. Wag na wag lang ang kwartong kulay pula ang pintuan. Nga pala, bago mag tanghalian ay bumaba ka na."
Bigla tuloy akong nacurious dahil doon. Bakit naman kaya? Napailing na lang ako at binilisan na ang pagbaba. Salamat na lang at madali kong nahanap ang hagdanan pababa. Wala na akong time para maglibot-libot pa dahil sobra na akong nagugutom.
Naabutan ko sa dining room si Manang Rosa na naghahain ng pagkain sa mesa. Napangiti siya ng makita ako. Sinuklian ko iyon ng matipid na ngiti at naupo na.
"Kain na po kayo ma'am." aniya.
"Huh? hindi niyo po ba ako sasabayan?" nagtataka kong tanong. I thought we will have a lunch together.
"Hindi po." she answered then she frowned, "Mauna na po ako ma'am. Tawagin nyo na lang po ako kung may kailangan pa kayo." may kinuha siyang mga pagkain at inilagay iyon sa isang tray. Sinundan ko siya ng tingin ng umakyat siya sa third floor.
Now what?
I'm getting curious again. That guy, that guy with a tuxedo. Ang alam ko ay dito naman siya bumaba sa mansion. Ngunit simula ng makapasok ako dito kanina ay hindi ko na siya nakita pa. Who the hell is that guy?
As i finished eating my food, i directly headed to the Garden's direction. Bago makapunta doon ay madadaanan mo muna ang swimming pool at sa dulo non may makikita kang maliit na pintuan na pinapalibutan ng mga halaman. At sa taas nakasabit ang karatulang 'GARDEN' .
Nakaka amaze dito. Sobrang ganda. This is so refreshing. Naupo ako sa isang bench malapit sa fish fond. I closed my eyes and let the cold breeze cover my skin.
Ilang minuto pa ang nakalipas ng may marinig akong nagsasalita. Mahina lang ang boses ngunit alam kong lalake ang nagsasalita. Husky ang boses at parang kagigising lang.
Inilibot ko ang paningin sa paligid. Pumukaw sa atensyon ko ang lalake sa di kalayuan. Nakatalikod ito sa gawi ko at parang may kausap sa telepono. Dahan-dahang akong naglakad sa gawi niya at huminto ilang metro lang ang layo sa kanya. Iniwasan kong gumawa ng kahit anomang ingay nang makalapit na ako.
"What? Kailangan pa ba yon?" he looks so very irritated.
"How long she would stay here?"
She? Are they talking about me?
"What?! No way!" nabigla ako sa bahagyang pagtaas ng boses niya.
"No, get that girl out of my house!" aniya at binaba na ang telepono. Kita ko ang bahagyang pagtaas at baba ng kanyang balikat.
Sino ba talaga siya? Siya ba yung may-ari ng mansion? Base sa mga sinabi niya, i think he's the owner of this mansion. Kung siya ang may-ari nito, ibig sabihin siya si Kiro?
"Eavesdropping?"
I closed my eyes as i heard his cold voice. Siya yung lalake kanina sa sasakyan. Bwiset hindi ko man lang napansin na humarap siya sakin.
"What are you doing?" tanong niya ulit. Mukhang napansin niya ang hindi ko pagdilat. Weirdo na ata ako sa paningin ng taong 'to.
Tumingala muna ako ng saglit bago tumingin sa kanya at ngumiti ng tipid. "I'm sorry. I didn't mean t-" before i finished my words he cut me off.
"Oh yeah, i don't care." masungit niyang sambit na ikinainis ko.
Humakbang na siya hanggang mapunta sa tabi ko. " Dapat hindi mo na tinanggap ang misyong ito, Miss Mira." aniya at umalis na.
Nanatili akong nakatayo kung san man niya ako iniwan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil doon. Are he threatening me? Yun ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya.
"Tinanggap mo pala yung mission."
Nandito ako ngayon sa condo ko. I'm with my best friend. He's Paolo. Naging best friend ko siya matagal-tagal na din. We're only 6 years old when we've met. Nakasama ko siya tru ups and down kaya para ko na din siyang kapatid. Kasama ko siya sa organization kaya alam niya ang tungkol sa mission.
"Oo, kailangan e." sagot ko bago kinuha ng beer. Inabot ko yon sa kanya at binuksan niya naman.
"Tsk tsk. Alam mo namang sobrang hirap ng mission na 'yon. You need to protect one of the most powerful heiress. That's not easy as you think, Mira." pangaral niya pa sa akin.
Paolo is very protective to me. Hindi niya ako hinahayaang gumala o lumabas ng walang kasama. Nangangamba siya dahil alam niyang maraming gustong patumbahin ako. Lalo na yung mga taong may galit sa pamilya namin.
I came from a really rich and powerful family. And because i was an only child, i could easily get what i wanted. Nang buhay pa ang parents ko, they are both busy. Minsan lang nila akong mabigyan ng time. That's why binibigay nila ang lahat-lahat sa akin, maybe that was the only way they knew to show their love and care for me.
I was only 11 years old when they passed away. Sa murang edad ay nasanay na akong mag-isa sa buhay. Tuwing special occasion si Paolo lang ang nakakasama ko, that's why I'm thankful to have him in my life. But i never hate my parents for leaving me early. Time na nila iyon and wala akong magagawa para pigilan iyon.
"Hey Mira." i snap back to my senses when he wave his hand in my face. As if he's making sure if i'm listening to him.
"A-ah? Ano na bang sinasabi mo?"
Ginulo niya ang buhok ko at sumandal sa aking balikat. " You're dealing with danger."
I know. All of my life i know i'm dealing with danger. Bago ko pa pasukin ang ganitong buhay ay hinanda ko na ang sarili ko. This is the way i chose, and i'm ready for this.
*****
Author's note:
Hey there!
Enjoy reading.
@imholdingapen
__
YOU ARE READING
Mission Gone Wrong
RomanceGenre: Mystery Romance written by: imholdingapen started May 29 2019
