Chapter 6: Revelation

2 0 0
                                    

Chapter 6:Revelation

"Ma'am ayos lang po ba kayo?" hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako tinanong ni manong niyan. I smiled. "Opo. Ayos lang po ako."

Tiningnan niya ako ng parang nanunuri."Mukha po kasing wala kayong tulog."

"Opo, manang. Hindi ako nakatulog kagabi e. Tsaka masakit din po ang ulo ko ngayon." pagdadahilan ko pa.

Nakakainis. I still remember what happened last night. And that freaking effin kiss. That kiss is still pestering the shit out of me. Bigla-bigla na lang iyon papasok sa isip ko at hindi na mawawala pa.

"Damn that man." i murmured. Mukhang narinig iyon ni Manang dahil napatingin siya sa akin ngunit hindi na siya nagsalita.

Napabuntong hininga na lang ako."S-sir." napatingin ako kay Manang ng may tawagin siyang Sir.

At lahat ng inis sa katawan ko ay kusang lumabas ng makita ang mukha ng lalakeng kumuha ng first kiss ko. Agad akong napatayo at napatingin naman sila sa akin. Inirapan ko si Kiro at walang pasabing umalis na.

Pasalampak akong humiga sa kama at tinakpan ang aking mukha ng unan. At nagsimula na naman akong magsisigaw. Halos sumpain ko na ang lalakeng iyon dahil sa inis. Fuck, i can't still believe that my first kiss was taken by that weird man.

Hindi nagtagumpay ang pagpatay ko sa lalakeng 'yon sa isip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag.

"Oh hello."

"Mukhang wala ka sa mood ah."

"Sinabi mo pa." napairap na lang ako ng maalala na naman 'yon.

I heard a chuckle on the line. "Labas ka nga."

Napakunot ako. "At bakit naman?"

"Basta."

"Fine."

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Dumaan ako sa dining room at nandoon pa din si Kiro. Kumakain siya habang si Manang naman ay nagtitimpla ng juice. Napatingin pa siya sakin pero mabilis akong nag-iwas ng tingin. Lumabas na ako.

"Hoy!What are you doing here?" tanong ko kay Paolo ng maabutan ko na naka tayo doon.

"Tara picnic!" itinaas niya ang dalawang plastic bag na may laman na pagkain. Nakalapag naman sa semento ang isang kahon. Hindi halatang pinaghandaan niya 'to.

"Okay tara." kinuha ko sa kanya ang dala niyang plastic bag at pinangunahan siyang maglakad papuntang garden. Syempre picnic e, malamang naman na sa loob ng mansion. Edi nakita naman siya ni Kiro at baka magalit pa 'yon.

Pagdating sa garden ay naglatag siya ng tela at sinimulan ng tanggalin ang mga pagkain sa kahon. Tiningnan ko ang laman ng plastic bag at puro ito chips at chocolates. Ang laman naman ng kahoy ay puro lutong ulam at mga prutas. Agad na umandar ang pagiging food lover ko at nilantakan na agad ang mga pagkain.

"Dahan-dahan lang Mira." saway niya sakin pero inirapan ko na lang siya.

Pinagpatuloy ko ang pagkain hanggang sa mabusog ako. Chocolate naman ngayon. Kumuha ako ng dalawang sneakers.

"Mira."

"Oh?" tanong ko kay Paolo ng tawagin niya ako.

"Sure ka ba talagang pwede ako dito?" kinunutan ko siya ng noo.

"Oo naman." kumagat ako sa sneakers bago ulit mag tanong. "Bakit ba?"

Pinatulis niya ang kanyang nguso at itinuro sa isang direksyon. Sinundan ko iyon ng tingin at doon nag tama ang tingin namin ni Kiro.

Nakasandal siya sa gilid ng puno at naka cross-arm na pinagmamasdan kami. He looks mad. Tinaasan ko lang siya ng kilay kaya mas lalong sumama ang tingin niya sakin.

"Siya si Kiro?" napatingin ulit ako kay Paolo at tumango.

"HOY!" pasigaw kong tawag sa kanya dahil medyo may kalayuan ang kinaroroonan niya samin. Sa pagkakataong ito ay siya naman ang nagtaas ng kilay, asking why.

Sinenyasan ko siyang pumunta dito pero hindi siya gumalaw. I smirk. Bahala siya kung ayaw niya. Ayaw ko din naman kasi talaga. Wala lang akong choice dahil bahay niya 'to. Nakakahiya naman kung di ko man lang siya aayain.

"Mira, i'm sorry. I have to go. Urgent e." napakamot siya sa batok na parang nahihiyang bata.

"Okay, take care Pao."

He lean on me and kiss me on my forehead. Tumayo na siya at nagpaalam na aalis na. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag kain ko. Pero napatigil ako ng may mapansing pares ng sapatos sa harapan ko.

My mouth became oh ng mapagtanto kung sino ang nilalang na 'yon. Isang hulog ng impyerno, kidding. I raised my eyebrow at him. "Bat ka nandito?"

He took his seat instead of answering me. What a jerk. Manners please. He took my chocolate and eat it without hesitation. Grr that's my chocolate. How dare him.

"Wala ka din talagang modo no." napatingin lang siya sakin kaya't pinagpatuloy ko ang pagsasalita. " First, you took my first kiss last night. Then you took my chocolate today. So what's your plan for tomorrow?"

Pansin ko na bahagya siyang natigilan sa pagsubo. Tiningnan niya ako ng parang wala lang at sumubo na ulit. "Bwiset 'to ah." I whispered.

"I heard that." i rolled my eyes heavenwards. Of course maririnig mo talaga 'yon dahil sinadya kong iparinig sayo.

"Hey sabihin mo nga, gano ka ba kahina at kailangan pa kitang bantayan para siguraduhin na ligtas ka ha? Look, i'm not saying this para maoffend ka. It just that, i really want to know what's the reason behind that."

Una pa lang ay iba na talaga ang kutob ko dito. Hindi ako ganon katanga para di makahalata. Alam kong may alam siya dito.

Binaba niya ang hawak na sneakers at tsaka walang emosyon tumingin sakin. After a moment he spoke." Wala ka ba talagang alam?" i shook my head.

Pansin ko ang pag papakawala niya ng sunod sunod na buntong hininga. " Angelo Soh, he is your father right?" I nod for him to continue speaking. "Before your father and my father die, may napagkasunduan silang isang bagay." abang na abang ako sa susunod niyang sasabihin.

"Pinagkasundo nila tayo. Inarrange marriage tayo."

*****

Author's note:

Hey sorry kung medyo maikli. Sinadya ko talagang putulin e haha. BTW, thanks for reading. Godbless us!

@imholdingapen

__

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mission Gone WrongWhere stories live. Discover now