Chapter 4:Weird
"Mira.."
"Mira."
"Mira...."
Tumagilid ako ng higa ngunit patuloy pa rin ang boses na iyon sa pagbanggit ng aking pangalan.
"Mira gumising ka. Kailangan ka niya."
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. My vision is blurred. Hindi ko maaninag ang mukha ng taong nasa harapan ko. I roamed my eyes around the whole place. White.
Tanging puti lang ang nakikita ko sa buong paligid. Tahimik at wala akong marinig na kahit anomang ingay maliban na lang sa- "Mira tulungan mo siya. Protektahan mo siya." i blink my eyes few times before my vision got clear.
"Who are you?" unang tanong na lumabas sa aking bibig.
"Hindi na imporatante pa. Protektahan mo siya. Kailangan ka niya, Mira."
Ayon na lang ang huli kong narinig sa kanya bago magbago ang paligid. Napapikit ako dahil sa sobrang pagkahilo. At nang imulat ko ang aking mata ay ibang scenario na ang nakita ko.
I'm standing in the middle of a fight. Isang lalake ang una kong namataan na nakatalikod sa akin. Ang suot niyang puting polo ay unti-unti ng nagiging pula dahil sa dugo. He can't stand firmly. Nakahawak ang kaliwa niyang kamay sa kaniyang tagiliran. At ang kanyang kanang kamay naman ay may hawak na baril at nakatutok sa isang taong nasa kanyang harapan. I can't clearly see their face.
Inilibot ko muli ang paningin sa paligid. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng tumigil ang aking mata sa lalakeng nakatayo sa hindi kalayuan. May hawak siyang baril at nakatutok ito sa isang direksyon. Sinundan ko iyon ng tingin at-
BANG!
"NOOOOOOO!!!"
Hingal na hingal ako ng magising. Napaupo ako sa kama at napahawak sa aking dibdib. Shit. Calm down. Calm down. My tears started to fall. No no. Why i am crying?
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili. Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa itaas ang pintuan. But to my surprise, i saw a figure of man standing at the door.
Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng aking puso. Nanatili ang paningin ko sa kanya at hindi umimik- "I heard you're shouting. Nightmare?" his voice is cold as ice. Ilang beses ko na iyong narinig ngunit nananatili pa rin ang kaba sa aking dibdib tuwing maririnig ko ang kanyang boses.
"I'm s-sorry if i disturb your sleep."
Mariin niya akong tinitigan at ng magsawa ay nagsalita na muli. "Next time... don't cry." ang huli kong narinig sa kanya bago niya isara ang pinto.
Napalunok pa ako ng ilang beses bago mag desisyon na bumaba. Pumunta ako sa kitchen at kinuha ng tubig sa fridge. Madilim ang paligid at tanging ang ilaw lang mula sa fridge ang nagbibigay liwanag sa dilim. I look at my watch. Bandang alas tres pa lang ng umaga kaya't paniguradong wala pang gising.
Pabalik na ako sa taas ng may marinig akong bagay na nabasag sa di kalayuan. Kaagad akong lumingon ngunit wala naman akong nakitang kakaiba. Napailing na lang ako sa sarili at umakyat na hindi na lang iyon pinansin.
"I'm on my way." binaba ko na ang telepono at naglakad na pababa.
May lakad kami ngayon ni Paolo. Pupunta kami sa mall at maglilibot-libot. Nakakapagtaka nga iyon dahil ako naman ang madalas na mag-aya. Pero ngayon siya ang nag-aya sakin para gumala.
YOU ARE READING
Mission Gone Wrong
RomanceGenre: Mystery Romance written by: imholdingapen started May 29 2019
