Chapter 2

104 15 0
                                    

Chapter 2: Sorry Not Sorry

Nakakainis pala talaga yung feeling na mawalan ng isang bagay. Yung bagay na napakalaki ang halaga saiyo. Yun bang sa oras na ito kailangan na kailangan mo pero wala. It's like losing a precious treasure that you've been caring for a long time and then all of a sudden, it disappeared!

"Mamatay na sana kumuha ng ballpen ko, shit" bulong ko. "Are you listening, Ms. Fajardo?" tanong ni Sir Less, bakas sa tono niya ang pagkainis.

"Of course, Sir" tugon ko. Lumapit ako ng konti kay Hannah, yung pambato ng 12 STEM - Athena. "Psst. Pakopya na lang mamaya ah? Nawala kasi ballpen ko eh" bulong ko rito at tumango naman siya at binaling na ulit ang paningin kay Sir Less and so do I.

Ewan ko ba, ang yaman yaman naman ng mga kaklase ko. Pero buraot sila, walang pambili ng papel at ballpen. Mga yamings na kuripot!

"Are you really sure na ikaw ang pambato ng 12 ABM - Aphrodite?" Baling sakin ni Sir Less. Aba? Bakit ba sila nagdududa?!

"Yes, Sir. Is there a problem with that?" matapang na tanong ko. Ha! Atapang atao ako noh.

"No offense ha?..." sure ako nakakaoffend yan. Tsk. I mentally rolled my eyes. "Pero kasi wala sa itsura mo na marunong kang magmake-up, malay ko ba kung pinagtitripan ka lang ng mga kaklase mo. But we will see in the competition" sabi ni Sir Less at ngumiti siya sakin. Shit, ang creepy huhu ewan ko ba kapag ngumingiti siya parang yung evil villain sa mga cartoons.

Hindi na ako sumagot dahil para saan pa? Pfft. Bahala siya ang mahalaga makikita ko si Ms. Selene Vale. (Confident ko ano? Pfft. Dapat think positive ano ka ba!)

After maexplain ni Sir Less ang lahat ng rules and criteria for judging ay umalis na kaming mga representatives kada sections. "I'll just send you the notes, Calix" sabi ni Hannah at nagthank you ako sakanya.

Pagkalabas ko ng building ay nakita ko yung mga bruha kong kaibigan sa waiting shed. "Ang tagal mo!" angal ni Yuni. Inirapan ko na lang siya. "Pfft. Sinabi ko bang maghintay kayo?!"

"Mahal ka namin ih siyempre dapat lang yun!"
"Yieeeeee"
"Yieeeut"

Mga baliw amp.

After namin magfood trip sa street foods na katapat lang ng university namin ay umuwi na kami. Si Kate at Hale ay may sundo samantalang kami naman nila Jessica at Yuni ay nagcocommute.

Tututututot*

From: Ampon kong kambal

Meet me at SM. Kakain raw tayo kasama si Dad

Ps. hurry up. Some teenagers are bothering me! Akala nila ay artista shit raw ako.

Ay wowers may fans? Di naman kasi maipagkakaila ano kaya nga kambal kami ih? Ako maganda, siya gwapo ng very very very slight sa bandang hinliliit niya lang.

"Hey. Hindi muna ako makakasabay pinapapunta ako ni bal sa SM. Ingat kayo ah?" sabi ko at nginitian ko sila. Bago ako umalis hinintay ko muna silang makasakay sa jeep bago ako sumakay sa tricycle.

Para kasi makapunta sa SM mula sa aming school ay kailangan mong magtricycle. After ng ilang minuto pumunta na ako sa location ng kapatid ko. Nakita ko na siya pero hindi ko siya nilapitan. May kasama siyang dalawamg babae. Pinagmasdan ko lang siya mula sa lugar na sure akong hindi niya ako makikita.

Pffft. Pagtripan muna natin ang gago bago natin puntahan hahaha!

Mula dito sa pwesto ko ay nagtago ako rito sa may malaking halaman at kahit na medyo malayo rinig ko sila. "The fvck? Ilan beses ko bang sasabihin sainyo na hindi nga ako artista!" sigaw ni gago.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beauty Beneath The StarsWhere stories live. Discover now