Isang Taon

3 0 0
                                    


Isang taon na puno ng emosyon,
Emosyon, na ani mo'y magtatapos nalang doon,
Mga sakit, pait, at pighati,
Na mabilis mong napapalitan ng ngiti.

Isang taon na puno ng saya,
Saya, na ani mo'y nasa langit na,
Pero wala ng mas sasaya pa,
Sa isang taon na ginugol ko kasama ka.

Mahal, isang taon na ang nakalilipas,
Pero pagmamahal mo saki'y walang kakupas-kupas,
Aaminin kong minsan kanang naging lunas,
Sa sakit ng buhay na aking dinanas.

Mahal, isang taon na,
Isang taon na mula nung una kong marinig ang salitang "TAYO NA"
na para bang nanalo sa lotto sa sobrang saya,
Saya, na sinabayan ng ngiti at tawa.

Mahal saksi ang bituin at buwan,
Nangangako akong kahit anong pagsubok ay di kita bibitawan,
Bagkos, ang hawak ko'y hihigpitan,
Kasing higpit ng puso kong sayo lang nakalaan.

Mahal, isang taon na ang dumating,
At marami pang taon ang kailangang bilangin,
Kumapit at magtiwala kalang,
Papatunayan natin sa kanila na totoo ang salitang "WALANG HANGGAN"

Katotohanan Para Sa AnyoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon