Di Malilimutang Alaala

1 0 0
                                    


Bakas sa aking mga mata at saya sa aking mukha ang aking mga nakita,
Mga gusali, mga tulay, mga nag gagandahang kulay ng Maynila,
Bakasyong hinihintay ay andidito na,
Kasama ang mga mahal sa buhay at aking sinisinta,
Ay sabay maglalakbay, mamasyal at gagawa ng mga hindi malilimutang alaala.

Unang araw ng aming kwentong bakasyon
Ay tila may umagaw sa aking atensyon
Ito ay makulay at nag gagandahang mga dekorasyon,
Mga dekorasyon na may pintang asul, pula at dilaw.

Tinawag ko ang aking nanay sabay sabi;
“Pagmasdan mo ang alapaap,
kumikinang parang mga alitaptap,
Nag gagandahang mga kulay na nakahanay,
Asul, pula at dilaw”
At nilapitan ko naman ang aking iniirog;
“Kung ako’y iyong papapiliin sa mga nag gagandahang kulay dilaw,
malamang ang aking pipiliin ay ikaw”.

Ikalawang araw ng aming paglalakbay,
Ay kumain kami ng sabay-sabay,
Sa isang sikat na restawran na nag nga-ngalang RSM Lutong Bahay,
Ang mga pagkain dito ay parang luto ni nanay,
Mga pagkain, desert at inumin sa harapan mo ay nakahanay.

Kasunod ng ikalawang araw ay dumako kami sa simbahan,
Simbahan na kung tawagin ay Minor Basilica of the Black Nazarene,
Dito kami nanalangin at nagpasalamat sa Diyos,
Dahil kami ay nagka sama sama muli,
At nangako sa harap niya na hindi mag-iiwanan hangang huli.

Pagkatapos pumunta ng simbahan ay tumungo kami sa sikat na pamilihan,
Walang iba kundi ang Sm Mall of Asia,
Dito kami bumili ng aming mga kasuotan,
Sapatos, damit, at mga gamit para sa darating na pasukan.

At bago ko pala makalimutan,
Dito namuo ang kwento ng aking mga magulang,
Kwento kung paano sila nagkakilanlan,
Na nauwi sa Pag-iibigan,
Sila ay pinagtagpo ng tadhana,
At muli ang kanilang landas at paningin ay nag tugma.

Ikaapat na araw, ika huling araw ng aming paglalakbay,
Dumako kami sa Mount Daraitan and Tinipak River, sa Tanay, Rizal,
Kasabay ang aking mga mahal sa buhay,
Kami ay umakyat ng bundok upang makita ang napaka gandang tanawin ng Sierra Madre.

Tinahak ang napaka hirap na daan,
Upang makita ang nagmimistulang kabundukan,
Habang ika’y naglalakbay ay maaliw ka,
Maaliw ka sa taglay nitong ganda.

Ako’y muntikan na mahulog sa pag akyat,
Dahil sa lakas ng hangin at sa katawan kong payat,
Mabuti na lang ako’y nakakapit,
Nakakapit sa katotohanan na kung ako’y mahuhulog ay siguradong ito’y napaka sakit.

Kaya nasabi ko sa sarili ko,
Mas mabuti na mahulog sa maling tao,
Huwag lang sa napakataas na bundok na ito,
Dahil panigurado pag ako’y nahulog bungo ko ay mabibiyak na parang bato.

Pagkatapos ng ilang oras kami ay bumaba na,
Bumaba, kumain at nagpahinga,
Nag kukwentuhan sa aming mga nakita,
Masaya sa bawat isa.

Pagkalipas ng ilang oras kami ay umalis na,
Nagpasalamat at nag yakapan,
Nagpaalam na sa isa’t isa,
Talaga! Ito ay Isa,
Isa sa mga hindi malilimutang alaala.

Katotohanan Para Sa AnyoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon