MAPAGPANGGAP

8 0 0
                                    


Mapanlinlang at Mapagkuwaring ngiti, tawa, at saya,
Ang pilit mong ipinapakita sa mga taong kilala ka,
Kilala ka sa kung sino ka,
Sapagkat alam nilang matatag ka.

Na para bang kaya mong pasanin ang mundo ng mag isa,
Kasi nga malakas ka,
Hindi nila batid na nahihirapan ka,
Kasi nga matapang ka.

Hindi mo ipinapakita
Ang mga sakit at pait na nadarama,
Kasi nga kaya mo pa,
Gusto mong sarilihin lahat ng problema,
Kasi nga madamot ka.

Tama na, Oo tama na,
Tama na sa kalungkutang nadarama,
Sapagkat ayoko na,
Ayoko nang magpanggap na masaya.

Pagud na ako,
Pagud na ako sa pinili kong mundo,
Gusto ko nang itigil ang lahat ng ito,
Pero alam kong magiging makasarili ako kung gagawin ko ito.

Katotohanan Para Sa AnyoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon