Ang Magkapatid na Luecito
Nakabalik na kami sa loob ng mansyon, wala namang pinagbago at mansyon parin.
Ang mga tao'y nagsisitawanan at ang iba'y nakikiindak sa saliw ng tugtugan.
And guess what? biruin mo yun, hindi umaalis sa tabi ko ang loko. Parang bantay sarado ako sa lagay ko ngayon.
Habang nakasalubong naman namin ang ibang kalalakihan na kasama ni Julio, sila'y bumati kay Leonel.
Etong si sungit tumango lang at nilagpasan na sila. Ewan pero ang gwapo niya sa kilos niya. Mas malamig pa sa yelo kung umasta.
"Bakit ka ba dikit ng dikit sa akin?" bahagyang siniko ko ito at binulungan.
"Ito ay aking kagustuhan kaya huwag kang magreklamo diyan." nagsusungit na naman!
Fine.
Feeling ko ang haba ng buhok ko ngayon pero ipinagtataka ko lang kung bakit ba hindi maalis sa tabi ko si Leonel.
"Punta ka na sa mga nakakabighaning mga binibini diyan. Dali! Shoo!" taboy ko.
"Hindi ko ibig ang makipagsalamuha ngayong gabi, kailangan kitang bantayan sa mga matang nagmamasid." sabay sinuklay ang buhok na bumagsak sa kaniyang mukha.
Di ko na narinig yung huli niyang sinabi. Hinayaan ko na lang.
Bumalik kami sa kinauupuan ko kanina, wala rin namang tao ang nakaupo doon. Pasalamat na din ako na nandito sa Leonel kundi mamamatay na ako sa labis na pagkabagot.
"Nagbalik ka binibini." napakapit tuloy ako sa braso ni Leonel na kusa niya ding inangkla sa akin, "Nagulat ako bwiset."
Isang kabute ang sumulpot ba naman sa harapan ko. Siya yung lalaki kanina kung hindi ako nagkakamali.
"Sinasabi ko na nga ba."
Bulong na naman ng katabi ko at mag isang kinausap ang sarili.
"Sino ka?" tanong ko sa kaniya habang kunot ang noo.
Napatawa siya sa sinabi ko, uhh may nakakatawa ba dun?
"Tunay nga ang sabi sabi, kakaibang binibini ang nasa aking harapan ngayon."
He is creepier than I think. Gwapo din naman siya, moreno at may pagkachinito ang mata. Halos pareho lang sila ng hubog ng katawan ni Leonel pero di hamak naman na mas gwapo 'tong bipolar na katabi ko kaysa sa kabuteng sumulpot ngayon.
"Magtigil ka Mateo." inis na lintaya ni Leonel na matalim ang pinakawalang tingin.
Ang ngisi naman ng lalaking nagngangalang Mateo ay nagsimulang kumurba sa labi.
"Kaano ano mo ba ang binibini, Ginoong Leonel Isagani Y Agustin?" dahil sa presensya nilang dalawa, nakaka-agaw pansin kami ng manonood.
Mukang iba na ang tensyon sa dalawang ito. Nag full name basis na si Mateo at halatang mas lalong inaasar si Leonel.
Ngayon ko lang nalaman ang full name ni Leonel. Pati ba naman yun ay gwapo?
BINABASA MO ANG
Escaping Reality Series 1: FATED BY TIME
Historical FictionESCAPING REALITY SERIES #1 "A travel back to past. The fulfillment of promises. And a continuation of love that was fated by time." Hiraya always wanted a complete family, a healthy love life and to be genuinely happy. Pero ni isa sa kaniyang nais...