Ikalabing pitong Kabanata

111 45 5
                                    

Silid ng Husgado


"Mang Anding! Pwede po bang maglibot tayo ngayon? Bukod sa mansyon ng mga Agustin eh wala na akong alam na puntahan." napakamot ako ng batok.

Sa pamamalagi ko dito hindi ko pa ganap na nalibot ang lugar, kaya naman nang makapagpaalam ako dali dali ang pagdako ko kay Mang Anding.

Nagpaalam ako kina ina at pumayag naman sila. Basta't mag-iingat lang daw at huwag magpapagabi.

"Aba'y sakto ang dating mo! Kapapaligo lamang ni Adeng." natatawang sambit nito habang hinihimas ang kabayo at kinabit na ito sa karwahe.

Kumusta na kaya sina Tiya Josefina at si Jolina? Gusto ko sana silang puntahan ngunit ayon kay ama, lumuwas raw si tiya sa aming lugar at malamang dala dala nito ang bata.

Gusto ko talaga maglibot ngayon o umalis, nakakamiss din naman ang buhay ko noon tipong kapag ganitong bagay na bored ako e mag-aaya ako ng kaibigan na makakasama sa mall o kainan. Kaso hindi ko naman alam sino ang mahahatak ko gayong limitado lamang ang kakilala ko dito.

"O sya, handa na ang karwaheng iyong sasakyan. Ika'y pumasok na sa loob."

Umakyat na ako sa karwahe at nagsimula na itong lumakad. Ilang oras din ang tinagal ng byahe palabas sa Baryo Poblete at ngayo'y nasa Macayani na kami. Pero hindi lang doon huminto ang karwaheng sinasakyan ko at dumiretso pa sa hindi pamilyar na daanan.

Binuksan ko ang maliit na bintanang konektado sa inuupuan ngayon ni Mang Anding.

"Saan ho tayo papunta Mang Anding?" hindi ko maiwasang hindi itanong sa kaniya.

"Sa La Trinidad tayo binibini, marahil ay nais mong makakita ng bagong lugar kaya naman dito kita dinala."

La Trinidad? Para bang narinig ko na yung lugar na yun. Wait saan nga ba?

"Isang linggo na lamang at ikakasal na ako sa kaniya. Kaya naman umuwi ako dito sa La Trinidad upang asikasuhin ang aming kasal..." Ah! I remember, sinabi iyon ni Cresencia sa akin sa isang panaginip.

Base sa nakikita ko sa paligid mas malaki ang daanan ng La Trinidad kesa sa Bayan ng Macayani at mukang ang lugar ay dinadayo ng maraming tao. Sa sobrang excited ko malibot ang lugar e halos kalahati na ng katawan ko ang nakadungaw sa bintana ng karwahe. Siguro kung ano ano ang naiisip ng mga taong nakakakita sa akin ngayon ngunit hindi ko lang mapigilan mamangha sa nakikita.

Sakto naman na may grupo ng mga lalaking nakasuot ng pang-gwuardiya ang lumalakad patungo sa karwahe namin. Hindi ba't sa palabas ay kinakawayan ang mga ito at binabati?

"Magandang umaga sa inyo!" kumaway ako at ngumiti. Ginaya ko lang ang nakita sa pelikula.

"Magandang umaga binibini!" magiliw na tugon ng isa sa kanila.

"Mag-ingat ka binibini at baka mahulog ka sa iyong ginagawa."

"Paalam!"

Binalik nila ang ngiting binigay ko, nakakatuwa lang sa pakiramdam makakita ng ganoong mga tao. Ibinaba pa nila yung suot suot na sumbrero habang nakayuko ng kaunti.

Escaping Reality Series 1: FATED BY TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon