Ikatlong Kabanata

238 85 10
                                    

Again, this is a revised and new version of the story. Marami ang nabago pero pangako, mas maayos ang daloy ng kwento. Enjoy reading and I appreciate your votes and comments!


Ang Pagbabalik sa Pilipinas



Nakakapasong init ng araw ang humalik sa mga balat ko paglabas na paglabas ng airport. Sa sobrang init nito ay halatang namumula mula na ako at ramdam ko na rin yung pawis sa aking noo.

Nasan na ba yung susundo sa akin? Sabi ko kasi wag mala-late ano ba 'yan, ayoko pa namang naghihintay ng matagal.

Kasabayan ko din ang ilan pang nag-aantay ng kanilang mga sundo o di naman ay kumukuha ng taxi o inaabangan ang nabook na grab. Ghad! Nakakairita yung init!

"Hiraya anak!" napalingon ako sa boses na 'yon.

Nakakahiya bakit naman Hiraya tinawag sa akin, ang ganda ganda ng pangalan kong Agatha.

"Ma." kaswal na tugon ko at sinalubong niya ako ng yakap.

Hindi ko natugunan yung yakap na 'yon dahil na rin sa bitbit kong hand bag at luggage sa kaliwa.

She was smiling from ear to ear and based on her reaction, tila masaya ito na nandito ako. Totoo ba?

As far as I know, for over 7 years of being away wala akong natanggap na balita na kinamusta niya ako. Maybe because she was busy handling her own clothing line, you know business first before daughter.

"Hiraya anak! Ang ganda ganda mo, mas lalo ka atang tumangkad ha? Namiss kita!" napangiwi ako sa mga naririnig ko mula sa kaniya.

"Ma, could you please stop calling me Hiraya, Agatha na lang po. At isa pa ma, pitong taon noong huli mo kong nakita kaya maninibago ka talaga sa height ko." I tried my best to not sound sarcastic in front of my mother.

Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko pero biglang may kung anong lungkot ang rumehistro sa mata niya, napawi naman agad nang palitan niya ito ng pilit na ngiti. I shrugged.

Marupok na sa marupok pero mahal ko si mama, malaki tampo ko dito kaya ganito na lamang ang trato ko sa kaniya pero kung alam niya lang gustong gusto ko na siyang yakapain.

Hindi naman siguro masamang magkaroon ng pride no? Lalo na kung pitong taon kong naramdaman na wala akong ina. Isa pa madami akong katanungan na hanggang ngayon ay di parin nasasagot; bakit ganyan, bakit nangyare yung ganito, at mga 'paano kung'.

"Patawarin mo ako Hiraya anak ha, babawi si mama pangako." panghahawakan ko ba? baka umasa lang ako sa kaniya, nakakatakot.

Kinuha ni mama sa akin yung luggage at sinundan ko ito ng lakad papunta sa nakapark na sasakyan niya. Walang imikan, sumakay na ako ng kotse at sinalpak agad ang earphones sa magkabilang tenga.

Ang awkward kasi talaga at wala din naman akong sasabihin. I don't want to initiate a conversation because I'm bad at it especially with my situation right now.

I closed my eyes and rest my back. Now that I am here in the Philippines, what will I do?

Ano nga ba yung nag udyok sa akin para umuwi, I could probably just have a vacation in another country but why here?

Escaping Reality Series 1: FATED BY TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon