Ay Kabayo!
Placida Primarosa's Pov
Kasalukuyan akong nakaupo sa lilim ng payong habang inip na inip na pinapaypayan ang sarili. Hindi ko mawari kung bakit nais ni ama na pumasyal kami sa kaniyang rancho gayon ma'y napakataas ng sikat ng araw. Ako na lang sana'y pinaiwan sa tahanan!
"Kapatid, ang iyong kilay ay magtatagpo na." pang-aasar ni Mateo. "Ano na naman ang iyong kinaiinisan?" habol na tanong niya.
Inirapan ko ang aking kapatid, wala akong panahon upang makipagbangayan sa katulad niyang mapang-inis.
Ako ang bunso at nag-iisang babaeng anak ni Henaral Macios Salas Luecito, ang aming ama. At pinakamagandang nilalang sa balat ng aming bayan. Huwag nang magbigay ng opinyon na hindi naman makabubuti sa akong pandinig! Hmp.
"Naririto na sina Leonel at Julio, ama!" agad nagpintig ang aking tenga.
Huh? Sino raw?
Dali daling napalingon ako sa gawi ni Mateo na naroon sa kaniyang pwesto ang karwaheng sakay sakay ang dalawang binata.
Nandito sila?! Inimbitahan rin sila ni ama? Maayos pa ba ang istura ko?! Nako baka mamaya ay amoy pawis at araw pala ako!
"Kapatid maghunos dili ka, nagmumuka kang uuod sa lagay mo ngayon." kung malapit lang sana sa akin si Mateo ay kanina ko pa nakurot ang tagiliran niya.
Aba! Hindi ako pwedeng mapahiya sa harapan ng ginoo.
"Mateo—oh ikaw pala ginoong Leonel?" sumabay ako ng lakad kay ama at pasimpleng sumulyap kay ginoong Leonel.
"Binibing Placida." saad ng dalawang ginoo sabay yuko ng bahagya.
Inabot ko agad ang kamay rito na siyang hinalikan ng binata. Ramdam ko ang pag-init at pagpula ng aking pisnge!
Simula pa lamang ay iniibig ko na ang ginoo, sa unang pagtatagpo ay napukaw niya agad ang aking mga mata at puso.
Ngunit si Crescencia ang kaniyang minahal. Kaya naman noong nawala sa buhay nito ang binibini, nagkaroon ng bahagyang pag-asa ang puso ko. Hindi ko sinasabi na ako'y nagagalak sa kaniyang pagkasawi, hindi naman sa ganon.
"At narito pala ang mga ginoo. Magandang umaga sa inyo."
Nabaling ang aking paningin kay Senyora Dolores na kararating lamang. Agad na nabuhusan ako ng malamig na tubig nang masulyapan ang nasa likuran niya.
"Macios!" bati ni Senyor Venancio sa aking ama.
"Ah! Jaime!" sinalubong nito ng yakap ang sinasabing Senyor.
Ang dalawa ay malapit na magkaibigan sa isa't isa, ngunit kahit ganoon, hindi ko nalalaman ang patungkol sa bunsong anak nilang babae. Kaya't kabigla bigla nang dumating si Hiraya.
Ang kanilang presensya ay may iisa lamang na ibig sabihin...
"Binibining Hiraya." sabay sabay na bati ng mga ginoo na nasa aking harapan nang may ngiti sa kani-kanilang labi.
Hindi ko maintindihan ngunit nagsisimulang magkaroon ng inis sa aking damdamin.
Agad na dumapo ang tingin ko kay Leonel sa kadahilanang bigla din akong nabahala.
Sa kasikatan ng araw bakit tila kumislap ang mga bituin sa mga mata niyang nakatitig kay Hiraya? Ano ba ang mayroon sa babaeng iyon na tila nabihag muli ang puso ng lalaking dapat ay sa akin?
BINABASA MO ANG
Escaping Reality Series 1: FATED BY TIME
Ficción históricaESCAPING REALITY SERIES #1 "A travel back to past. The fulfillment of promises. And a continuation of love that was fated by time." Hiraya always wanted a complete family, a healthy love life and to be genuinely happy. Pero ni isa sa kaniyang nais...