Chapter 3: Broken Hearted

629 21 4
                                    

Ayoko Pumasok, Ayoko sa Bahay, Ayoko sa Mall. Saan naba ako pupunta? Sa Mars?.


Masaya ako sa nangyari kagabi, hindi ko lubos maisip na Mahal na Mahal pala ako ni Kuya. Kaya lang pala niya ako inaasar kasi wala siyang magawa sa buhay.


Meron na akong kakampi! Ipinangako sa akin ni Kuya na kapag nakapagtrabaho na siya, pagaaralin niya ako sa magandang paaralan.


Sana Matupad yung mga pangarap sa akin ni Kuya. Sa totoo lang Mahal na Mahal ko siya eh pero minsan nagagalit ako sa pangiinsulto nito.


"Hello?" Tanong ko sa Telepono ko ng may tumawag rito.


"Babe Kizha." Si John! I love his Voice so much. He's the only Boy that I want to Hug, Kiss and Marry.


"Oh Babe bakit?" Tanong ko.


"Pwede ka bang makipagkita sa akin? Date tayo tutal wala naman tayong Pasok." Napangiti ako sa sinabi niya.


Date? Kailan ba huling beses na nagdate kami? Napakatagal na ata.


Nagbihis ako at Lumabas na ng Bahay namin. Pagkalabas ko ng bahay ay agad na bumungad sa akin ang sasakyan nito kaya naman sumakay na ako.


"Babe san tayo pupunta?" Pabebeng tanong ko.



"Sa Mall babe." Sagot niya kaya naman bigla akong nalanta.


Mall? Ano namang gagawin namin dun? Mamimili? Kakain sa mamahaling Restaurant? Ganun ba?


Nakarating na kami ng Mall at agad kaming pumasok sa bilihan ng mga bag.


"Anong Ginagawa natin dito?" Tanong ko at naexcite. Bibilhan niya ba ako ng Bag?


"Birthday kasi ni Mama Next Week so I decided na Regaluhan siya ng Bag at ikaw ang gusto kong pumili." Sagot niya at napasimangot ako.


Sinama niya lang ako para Mamili ng magandang Bag. Pero mas mabuti nang kasama ko siya kesa naman sa Parents kong puro Utos.


"Nakapili kanaba?" Tanong ni John at Tumango ako. Natapos na kaming Bumili ng bag at hinila ako nito sa Isang Store na puro tinda ay mamahaling Hair Pin.


"Regalo mo sa Mom mo?" Tanong ko habang nakaCrossed Arm.


"No! Pili kana kahit Ilan." Dun na ako ngumiti sa Sinabi niya kaya dali-dali akong naghanap ng bagay sa akin.


"Bagay sa iyo ito." Iniabot niya sa akin ang Hair Pin na Crown.


"Sure ka?"


"Oo. Princess kita kaya iyan ang bilhin mo."


"Ok my Prince Charming."


"Si-" biglang may tumawag kay John. "Ok I'll be there." Sabi nito sa kausap niya.


"Aalis kana?" Tanong ko.


Alam mo yung Masakit? Yung wala siyang Oras para sa akin.


"Sorry I have-"


"Sige na Go!" Hinalikan ako nito sa pisngi bago siya tuluyang Umalis.


Naiwan na naman akong Magisa at luhaan.


Naglibot ako dito sa Mall at may nakita akong isang bata na Nakikipagtawanan sa kaniyang Ama at Ina.


She's Lucky. Her Parents Care for her. Naiinggit ako sa mga batang Mayaman, kasi Mahal na Mahal sila ng mga Magulang nila.


Bakit hindi pwedeng lahat ng bata may Magandang buhay? Bakit hindi pwedeng lahat kami may Maaayos na Pamilya? Bakit?


Nawala ako sa pagiisip ng may Tumayo sa harap ko kaya naman tiningala ko ito.


"Mom." Tawag ko dito at tumayo na rin ako sa Inuupuan ko.


"Hindi kita Anak!" Sigaw nito sa akin, Sigaw ng Mama ng aking pinakamamahal na Boyfriend.


"Tita."


"I have Something to tell." May iniabot itong Envelope kaya naman tinignan ko ang laman nito.


"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko sa Mama ni John dahil binibigyan niya ako ng Sandamak-mak na Pera.


"Hindi ba iyan lang ang habol mo sa anak ko? So Hiwalayan mo na siya kapalit niyan." Napatawa ako sa sinabi niya at inihagis ko sakaniya ang Envelope na may lamang Pera.


"How Dare You."


"Hindi ako Sakim sa Pera! Hindi ko ipagpapalit ang kaligayahan ko sa Pera." Aalis na sana ako ng hawakan nito ang Braso ko.


"John is Engaged to Stephanie. Stephanie is a Rich Girl. Siya ang kailangan ni John hindi ikaw."


"This Isn't True!" Halos sigaw kong Sabi.


"Tanungin mo pa siya! Kaya nga lagi siyang walang time para sayo dahil inaayos na nila ang kasal ng Anak ko."


"Hindi ako naniniwala."


"Edi Huwag! Ask Him about it." Pagbabanta niya at tuluyan na itong Umalis.


Hindi iyo totoo! Hindi iyon magagawa ni John sa akin! Mahal niya ako.


Mahal na Mahal niya ako!


Nagpadeliver ako ng Sandamak-mak na Street Food at kinain ko ito sa Kwarto ko.


Habang kinakain ko ito ay humahagulgol ako ng iyak.


"Sabi ko naman sayo gawin mo ang best mo! Siya na nga lang pagasa mong yumaman nawaglit pa." Rinig na rinig kong Sigaw ni Mama kaya mas lumakas pa ang Iyak ko.


Kung Totoo man ang Sinabi ng Mom niya Ngunit bakit Sinekreto niya ito sa akin? Bakit hindi niya sinabi? Dapat Sinabi na niya para hindi na ako Umasang may kami sa Sa Huli.


Sana Sinabi mo para hindi na umasang may tayo pa sa huli,

Sana sinabi mo hahayaan naman kitang Umalis.


∞∞∞


BHOUXZKZ

My Second LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon