Chapter 12: The House

335 11 0
                                    

Naglalakad ako ngayon papuntang Classroom. Hanggang ngayon hindi padin mawala sa Isip ko ang Bahay na naalala ko.


Anong Memories ko sa Bahay na yun? Bakit lagi ko yun nakikita sa Isip at maging sa Panaginip ko? Bakit sa dami-dami kong Ala-ala ayun pa ang Naalala ko?


Sa Pagiisip ko ng malalim ay bigla nalamang akong natipalok.


Malas namang Buhay to oh! Napakasakit ng Paa ko! Malas! Malas yung bahay na yun! Dapat hindi ko yun kailanman isipin.


Habang hinahawakan ko ang paa kong masakit ay napatingin ako sa may Unahan ko. Si Haervy nasa Pinakadulo at nag-gigitara.


Marunong siya sa lahat ng bagay kaya siguro naInlove ako sa taong to.


Kailangan kong humingi ng tawad sa kaniya. Sinubukan kong tumayo kahit na masakit ang paa ko at naglakad ako patungo sa kinaroroonan ni Haervy na parang pilay.


Tinignan lang ako ng Masama nito bago ibalik ang tingin sa gitara niya.


"Sorry! Sorry kasi Nasaktan ko yung Girlfriend mo." Paghingi ko ng tawad at tumingin ito sa aking nakakatakot na tingin.


"Ok lang kahit hindi mo tanggapin, Sino ba ako para patawarin mo?" Pagdradrama ko.


Tumalikod na ako sa kaniya ng biglang na out of Balance ako kaya naman tuluyan na akong nabagsak. Napasigaw nalang ako sa sobrang Sakit.


Nagulat ako ng bigla niya akong Buhatin.


"Dapat kasi nagiingat ka! Kung Ano-ano kasing pinagiisip mo." Galit na Saad nito ngunit hindi ko mapigilang ngumiti. NagCa-care ba siya sa akin?


Dinala niya ako sa Clinic at Nagamot na ang mga Paa ko.


Tinitignan ko lamang si Haervy na nakasandal sa Pader sa harap ko mismo. Nakatingin ito sa Baba.


"Sorry nga pala ulit." Pasimula ko kaya naman tumingin na siya sa akin.


"Ano ba kasing pinagiisip mo?" Nakakunot noo nitong tanong.


"Yung bahay na naaalala ko ngunit hindi ko alam kung anong koneksyon ng bahay nun sa akin?" Sagot ko sa tanong niya.


"Naaalala moba ung daan patungo dun? Gusto mo puntahan natin para Maalala mo kung anong nangyari dun?" Mahinahong Tanong ni Haervy.


Ang Cute niyang tignan kapag Nagaalala siya sa akin. Badboy na Caring.


Aaminin kong Badboy si Haervy dahil sa masasamang pakikitungo nito sa mga kaklase niya't sa ibang mga Studyante ngunit mas mabuti itong puso sa akin lang. HAHAHA. Sana may pagasa pako sayo.


"Oo Naalala ko. Sasamahan mo ba ako?" Nagpout ako na para bang nagmamakaawa habang siya ay nakakunot noo.


"Fine." Binuhat niya ako at dinala sa Sasakyan niyang mamahalin.


Parehas kaming nasa Unahan. Nanay at Tatay. ;)


"Nga pala, sinong nagsabi sayo na Girlfriend ko si Shiela?" Tanong niya.


Hayss. Nasama na naman yung babaeng yun. Lagi nalang ba akong may kahati kay Haervy.


"Edi Siya!" Naiinis kong Sagot. Nagbabago mood ko kapag naririnig ko pangalan ng Mean Girl na yun.


"Hindi ko siya girlfriend." Bigla nalang akong napangiti sa Sinabi niya.


Hindi niya Girlfriend? So nangangarap lang pala yung babaeng yun Hahaha. Sorry ka Girl!


Nagmaneho na si Haervy habang tinuturo ko ang daan.


Bakit Ganun? Kusa akong dinadala ng kamay ko sa Bahay na Nakaraan ko?


Nakarating na kami at binuksan ko ang bintana ng sasakyan.


Itong-ito ang bahay na nasa Alaala ko. Anong Nakaraan ko dito?


"Iyan ba yun?" Tanong ni Haervy at Tumango ako.


Bumaba si Haervy at pinagbukasan niya ako ng Pinto.


Nang pagkababa ko ay bigla na lamang Sumakit ang Ulo ko at may Mga Ala-ala akong naaaninag.


Inalalayan ako ni Haervy.


"Bumalik na tayo." Pagaalala niya.


May Ala-ala akong nakikita sa Isip ko.



Isang Babaeng Bata na nasa edad na 5 Years Old. Naglalaro siya sa May Upuan sa Gilid ng labas na bahay na ito.


Naglalaro siya ng Lupa nang biglang lumabas ang isang babaeng na nasa edad na 30 pataas.


Pinagalitan ng babae ang bata siguro nanay niya yun at hindi nakinig ang bata.


Sabi ng Nanay "napakadumi mo! Napakabaho mo! Huwag na huwag kang yayakap at hahalik sa akin kang gusgusing bata ka!" Sigaw ng Nanay ng bata kaya naman nasagot ito ng Bata "hindi niyo po ko binibili ng barbie eh." Pasagot ng bata.


"Wala ka kasing Kwentang Anak kaya dapat sayo hindi binibilhan!" Sigaw pa ng Ina at padabog na pumasok sa bahay na ito.


Umiyak ng umiyak ang bata habang naglalaro ng Lupa. "Sana Namatay nalang ako" Bulong ng bata sa Sarili.


Sana namatay nalang ako.


∞∞∞


Hello Guys! Mamaya maguupdate ulit ako gagawa lang ako ng Project.

---------

BHOUXZKZ

My Second LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon