Chapter 5: Accident

677 26 0
                                    

Nanakit na naman ang Dibdib ko ng Makita ko sina John.


Yung Feeling na Yung Sayo kinuha ng iba. Bakit nasa iyo iyan? Akin yan eh.


Yung Minahal mo ng Sobra-Sobra siya palang sasaktan ka rin ng Sobra Sobra.


Minsan naisip kong huwag nalang magmahal para hindi na nasasaktan ng ganito yung Puso kong Sugatan.


Yung nagayos ng Puso mo ay siya rin palang Wawasakin.


Sakit noh? Mas Masakit parin yung pinagkatiwalaan mo pero Niloloko ka pala.


Kung Mahal mo talaga ang Isang Tao papakawalan mo siya. Magiging Masaya ka kung saan siya masaya kahit pa na ikasisira mo ito.


Sometimes you need to Sacrifice for him own Happiness. Hindi naman pwedeng tayo lang ang Masaya.


"Naghiwalay na kayong tuluyan? Bakit kasi hindi kapa naghuthot ng pera bago mo hiwalayan." Nakakairitang pangangaral ng aking Ina.


"Hindi naman ako kagaya niyo." Sagot ko.


"Aba Sumasagot kanang bata ka!"


"Totoo naman po Ma, hindi Pera kailangan ko!! Kundi Pagmamahal, Pagmamahal ng isang Pamilya." Hindi ko na maiwasang Umiyak at tuluyan ko nang iniwan ang bahay namin.


Pansamatalang iiwan dahil papasok muna ako ng School.


I hate my Life! Minsan kailangan ko ring lumaban. Hindi naman pwedeng lagi nalang akong naaabuso.


Hindi ako kagaya ng iba na Walang lakas ng loob. Oo Tahimik ako pero itong tahimik na ito kayang kaya kang pabagsakin.


Habang naglalakad ako ay nakatingin lamang ako sa Baba dahil sa kung anong bagay ang iniisip ko.


Nanlaki ang mga mata ko ng May Kotse ang napakabilis ang takbo at papunta ito sa Direksyon ko.


"Patricia??" Si Patricia! Siya ang nagmamaneho ng Sasakyan.


Hindi na ako makagalaw sa sobrang pagkagulat ko hanggang sa tuluyan ko nang naramdaman ang Sasakyan niyang nakapaghagis sa akin.


💀💀💀


Nang Magising ako ay nasa Hospital na ako. Tumayo nalang ako ng makita kong Umiiyak sina Papa at Mama maging Si Kuya ay Lumuluha na rin.


Anong Nangyari? Anong Meron? Bakit sila umiiyak? Buhay naman ako ah.


Tinignan ko ang taong nakahiga sa Bed ng Hospital at nagulat akong makita ko ang Sarili ko. Sarili kong wala ng Buhay.


Ibig Sabihin ba nito Patay na ako? Hindi pwede!! Hindi pa ako Patay! Ma, Pa, Kuya! Buhay ako Buhay na Buhay.


Niyakap ko si Kuya Ngunit hindi ko ito kayang hawakan siguro dahil isa nalamang akong Kaluluwa.


"Kizha." Tawag sa akin ng Babaeng bigla nalang Lumitaw sa Harap ko.


"Sino ka?" Tanong ko.


"Ako si Angel Timothy.. hindi kapa pinapaakyat sa Langit sapagkat may Misyon kapa dito sa Lupa."


"Anong Misyon? Buhay pa ako! Hindi ako patay."


"Patawad ngunit kailangan mong tanggaping Wala kana. Bukas na bukas may ipapakilala ako sayo ngunit bibigyan kita ng time para makasama mo ang pamilya mo."


"Sandali po." Nawala na ito na parang bula.


Panaginip ba ito? Patay na ba talaga ako? Ayaw ko pang mamatay!


Nagulat ako ng may Pumasok dito sa Hospital Room ko. Si John.


"Kizha!" Iyak to ng iyak at niyakap ako.


"Sorry John. Sorry sa lahat. Mahal na Mahal kita Pangako yan. Hinding hindi kita kakalimutan lagi kitang babantayan." Sabi ko kay John kahit alam kong hinding hindi ako nito maririnig.


Nandito na ako ngayon sa Burol ko.


Niyayakap ko nalamang ang aking Mama kahit na hindi ko ito mahawakan.


Iyak kasi siya ng Iyak. Kahit na galit ako kay Mama ay mahal na mahal ko parin siya.


"Bakit mo na kami iniwan?" Umiiyak na tanong ni Kuya.


Patawad kuya! Sa totoo lang ayaw ko pa kayong Iwan.


Napatayo ako ng biglang dumating si Patricia.


"Nakikiramay po kami." Sabi niya at nagbigay ng Puting Lagayan ng Pera.


Tinignan iti ni Mama at mukhang tuwang tuwa pa na sandamakmak ang perang binigay ng babaeng Ahas na iyan.


Bakit ba iyan nandito? Siya ang Pumatay sa akin! Dapat siyang Makulong! Sana makonsensya ka sa Ginawa mong karumaldumal na Pagpatay sa akin.


Hinding hindi kita papatawarin.

My Second LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon