Chapter 17: I know Him

266 10 0
                                    

"Dad Are you ok?" Tanong ko kay Daddy. Nandito kami ni Haervy sa hospital dahil sinugod rito si Dad.


"I'm fine My Princess. Lumabas muna kayong tatlo at kakausapin ko si Haervy." Pakiusap ni Dad at agad namin itong sinunod ng mga kuya ko.


May sakit sa Puso si Dad kaya dapat lang na Sundin namin siya.


Umupo kami sa may Upuan sa labas ng Kwarto ni Dad.


"Ano kayang paguusapan nila?" Tanong ni Kuya Jin.


"Wag mo nalang tanungin." Sagot ko at inirapan ko silang dalawa.


Alam ko naman ang nasa isip nila! Ako ung dahilan kung bakit kinakausap ni Dad si Haervy ngayon.


Napatingin ako sa Bata na Nakadamit panghospital at may hawak na Lobong lumilipad.


Kasama nito ang Mama niya at masaya silang Naguusap.


Bakit hindi ko naranasang magkaroon ng Ina?


Bakit may mga taong Walang Ina gaya ko? Bakit ang hirap hirap ng Walang ina?


Nabitawan ng bata ang hawak niyang lobo kaya naman lumipad ito ngunit hinabol ko ang lobo.


Takbo ako ng takbo para mahabol ang lobo ngunit natalisod ako kaya't hindi ko na ito naabutan.


Napapikit nalang ako ng Mata ngunit hindi ko naramdaman ang pagbagsak ko kaya minulat ko ang dalawa kong mata.


Isang Lalaki ang bumungad sa aking paningin...... sinalo niya ako kaya't hindi ako Nahulog at hawak niya ang lobo.


Tinayo na niya ako at iniabot sa akin ang Lobo.


Siya? Kilala ko siya! Kilala ko siya ngunit hindi ko maalala! I know him... i'm Sure!


"Magiingat ka sa susunod!" Sabi nito ngunit nanatili akong Nakatulala.


Hindi ako pwedeng magkamali kilala ko siya! Kilalang kilala. Bwisit na Ulong to! Bat moba kinalimutan lahat ng Alaala mo!


"Ok ka lang ba?" Tanong niya.


"Kilala ba kita?" Tanong ko at tinignan ako nito simula baba hanggang ulo.


"Nope! Ngayon lang kita nakita." Sagot niya at nagulat.


"Anong pangalan mo?" Tanong ko.


Kilala ko talaga siya! Seryosong Seryoso ako.


"Uhmmm... why miss?" Napangiti nalang ito na para bang nakikipagbiruan ako.


"Nakita na kasi kita!" Napalakas na Sabi ko.


"Chill lang Miss! Ako si J-J-" binibiro pa niyang sabihin.


"Ano?!" Napasigaw ko.


"John Miss how about you?" Biglang sumakit an ulo ko kaya't nabitawan ko ang Lobo.


Hinawakan ko ang ulo ko sa sobrang sakit at napaupo ako.


"Miss ok kalang?" Tanong niya.


"Ansakit ng Ulo ko!!" Sigaw ko at biglang dumating si Haervy.


"Sam." Sigaw niya at saka binuhat ako.


Dinala ako nito sa isang Room at may mga doctor na tumingin sa akin.


"She's Fine." Sabi ng Nurse kay Haervy.


"Sino ung kausap mo?" Tanong ni Haervy.


"Kilala ko siya ngunit hindi ko mandaan."


"Please wag monang Isipin! Lalo kalang Mahihirapan."


Nung Binanggit niya ang pangalan niya ay May Narinig ako sa Utak ko.


Isang Babae na sinisigaw ang pangalang "John" at ung lalaking yun ang Nakita ko sa ala-ala ko.


Bigla niyang niyakap yung babae at humiga sila sa May Latag sa Damuhan.


Then mayroon pakong naalala na Ung Babae ay Sinisigaw ang pangalang "John habang Umiiyak."


What's happening? Anong Meron? Bakit? Bakit may naaalala ako kahit hind naman ako ito?


I hate this! I don't like this! Gusto ko nang makaalala. Gusto ko nang malaman lahat-lahat.


Sino ang Batang babae? Sino si John? Sino ung Batang lalaki? Sino ung babaeng umiiyak? Lahat ng naiisip ko ay HINDI AKO!


Ibang Mukha..... ibang Pangalan at higit sa lahat ibang katauhan ng taong naiisip ko. Ung babaeng lagi-lagi kong naaalala. Sino ba siya? Anong koneksyon ko sa kaniya?


Nahihirapan nako!!


"Please Calm down." Pagpapakalma ni Haervy.


How? Kung Lagi-lagi akong nakakaalala ngunit hindi tungkol sa buhay ko.

My Second LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon