Chapter 15: 1 Point

301 9 0
                                    

Puro Reklamo lang ang mga sinasabi ko kay Haervy habang naglalakad kami, pano ba naman e 16 Minutes na kaming naglalakad.


"Malayo paba? Pagod na pagod na ako!" Reklamo ko kaya't tumigil muna kami saglit.


Bumili sa tindahan si Haervy ng Softdrinks at Biscuits.


"Sabi ko naman sayo magGrab nalang tayo!" Inirapan ko ito dahil sa pagpapahirap niya sa akin.


Sarap batukan aba!


"Tamad ka! Kailangan mo ring Maexercise!" Sinungitan pako ng Lalaking ito.


"Malayo paba?" Kinamot ko ang ulo ko sa sobrang inis.


"Halika na! Kanina mo payan sinasabi!" Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimulang maglakad.


Hindi ko alam kung Kinikilig ba ako o naiinis?


Ang lambot ng mga kamay niya, sarap hawakan.


Sa totoo lang ang bilis ng tibok ng puso ko ng hawakan niya ang mga kamay ko. Para bang nawala lahat ng Pagod ko.


"Nandito na tayo." Tinuro niya ang isang Court.


"Basketball Court?" Napakunot noo ako.


"Papanoorin mo ako at tuturuan kita." Ngumiti iti at hinila ako papasok sa Basketball Court.


Napasok na kami at andaming bolang nakahilera't pwedeng gamitin ng kahit na sino.


Kami lang ni Haervy ang Nandito ngayon.


"Hawakan mo to!" Sinunod ko ang Sabi niya at hinawakan ko na ang bola.


Hinawakan niya ang kamay ko at itinaas ng konti. Hinawakan niya rin ang mga paa ko at pinaghiwalay.


Ganun daw kasi ang Gesture kapag magsho-shoot ng bola.


"Try mo!" Sabi niya kaya't shinoot ko ang bola ngunit hindi ito naShoot.


"Lampa!" Pagbibiro niya na kinainisan ko.


Edi siya na magaling!


Shinoot niya ang bola at naShoot niya ito na parang napakadali lang sa kaniya.


Inagaw ko ang bola sa kaniya.


"Maduga! Ganito nalang, agawang Bola tayo." Kinindatan ko ito at tumakbo na.


Hinabol naman ako ni Haervy.


Para kaming mga batang naglalaro lamang. Ang Cute naming tignan.


Isang Bully at isang Masungit.


Naagaw sa akin ni Haervy kaya naman sinubukan ko itong habulin.


"Ayoko na ang hirap mong habulin." Reklamo ko kaya't hinagis sakin ni Haervy ang bola.


Tumakbo ako ng Mabilis ngunit naabutan niya ako't na out of balance ako kaya't natumba kami parehas.


Biglang nagkarerahan sa bilis ng tibok ng Puso para bang Aatakihin ako ngayon.


Nalulunod ako sa Mata niyang nakatitig sa mga Mata ko..


Mga Mukha naming napakalapit...


Siya naba? Siya naba ang First kiss ko?


Ang First Crush ko? Ang pinapangarap kong lalaki?


Ang lalaking kinaaayawan ako?


Siya naba talaga ang nagpapatibok ng puso ko.


Bigla itong tumayo at tinulungan akong tumayo.


"Ang bagal mo kasing tumakbo!" Nagcrossed arm ito at nagDribble nang bola sabay Shoot.


Sa ginawa niyang iyon para bang nag-Slow Motion ang lahat..


Una ko palang siya nakita ay alam kong Gusto ko na siya.


Nalove at first Sight ako!


Waitt?? Pero sa totoo lang hindi ko talaga alam kung gusto ko ba siya o Hindi.


Ay Ewan basta Undefined pa feeling ko para sa kaniya.


"Kain na tayo san mo gustong kumain?" Tanong niya habang nakatingin sa bola.


"Grab na tayo ahh! Hindi ko na kaya!" Pakiusap ko sa kaniya.


"Oo na! Gusto mo Milktea?" Tanong niya.


"Oo! My Favorite. Alam na Okinawa sa akin." Ngumiti ako. Inayos na ni Haervy ang Bola at lumabas na kami ng Basketball Court.


Inabangan nadin namin ung Grab.


"Thank you sa Oras na binigay mo para sa akin." Napangiti ako sa Sinabi ng lalaking katabi ko ngayon.


He Always making me Happy.. is that LOVE?


How can you tell if you love that Person? How?


--------------

BHOUXZKZ




My Second LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon