Nagmulat ako ng mata nang maramdaman kong may marahang tumapik sa balikat ko, tinignan ko yung tumapik, isang Flight attendant. Oo nga pala I boarded a plane last night.
"Ma'am cheska, nandito na po tayo sa destination niyo." Naka-ngiting sabi niya saakin.
"Thank you." I said as I smiled back at her.
Pag-alis ko sa airport dumeritsyo ako sa hotel na pina-booked ko kahapon sa secretary ko.
I take my 35 minutes shower kasi feeling ko ang lagkit-lagkit ko na.
Ako nga pala si Yanalyn Cheska Santiago, Cheska ang tawag saakin ng mga empleyado ko, Yana naman sa mga ka-close ko. 23 years old and one of a sucessful business woman nowadays.
Mayaman Kami. Marami akong pagmamay-aring negosyo dito sa pilipinas kagaya nalang ng airport na sinakyan ko kanina, Mga hotels, Resorts, Restaurant, Clothing line, at marami pang iba, we even broad our companies outside the country kaya naman ng mamatay si dad, naging busy ako sa pamamahala ng mga business na iniwan niya, Isa pa nga yong dahilan kung bakit nag-hiwalay kami ni red, yung boyfriend ko, ay mali. Ex pala, sabi kasi ng punyetang yun, wala na daw akong time para sa relasyon namin. Maybe his right.
Maganda ako, kahit naging busy ako sa business na mga iniwan ni dad, I do some modellings, past time na kung baga. Nagiging hobby ko siya pagka-tapos ko sa mga business works. Parang Stress Reliver.
I won't deny the fact na maganda ako kahit walang make-up, hindi na rin ako magpapa-humble effect maganda naman kasi talaga ako.
Pranka. Yeah. I always do. Ayoko kasing maging plastik, kahit na may nasasaktang tao. It was like, don't ask me if you don't want to hear out my real point of view about some things, hindi ako Judgemental na tao, as like what I have said, Pranka ako. Kung anong nakikita ko maganda man o pangit sinasabi ko ng diretsyuhan ayoko kasing paligoy-ligoy pa, remember, we're not into some kind of a rides.
Matalino, yes. Madali akong matuto, kaya nga hanggang ngayon matayog pa rin yung mga business na iniwan ni daddy e, kasi nga. Matalino ako, alam ko kung anong gagawin ko if ever there's some situation na alam kong mahirap lisutan, hindi naman lalago lalo yung mga kompanyang hawak ko kung lalampa-lampa ako right? And I'm glad I'm not born stupid.
Malambing at mapag-mahal din ako. well,
I used to be.
Natapos akong maligo, nag-blower ako ng buhok ko and lay down at the hotel's room bed. I closed my eyes, but somethings are really bothering me.
I want to sleep but I can't, I felt sad. First day ko pa nga lang wala sa bahay naho-home sick na ako.
Inis na tumayo ako, this is bad. I need to take something to distract my homesickness.
***
Dahil sa gusto kong ma-distract, may naisipan akong puntahan, Si Nana Merna. Ang yaya ko dati.
Nahanap ko sa maliit na bag ko dati ang nilakumos na papel, kung saan naka-sulat yung pinagta-trabahuan ni nana merna.
I decided to not bring my car and take a taxi. Pinuntahan ko yung naka-sulat sa papel, namangha ako. Malaki pala talaga yung bahay na nilipatan ni nana merna, mas malaki nga lang yung saamin. I wonder kung ilang dosena ang katulong dito.
"Excuse me po? Andito po ba si Nana Merna?" Tanong ko sa guard sa may bandang gate. Sinuyod niya ako ng tingin.
"Oo, bakit?" Tanong saakin ng guard. Tumaas yung kilay ko, sarap pektusan may patingin-tingin pang nalalaman.
"Pwede ko po ba siyang kausapin?" Sabi ko as i flastered my fake smile.
"Ka-ano-ano ka ba niya?" Tanong niya saakin, I-tsked. Ano ba to' daming tanong hindi ba pwedeng- wala nang tanong-tanong? Kairita.
BINABASA MO ANG
My Personal Arrogant Maid
RomanceAng buhay mo parang daan, malawak at maraming dumadaan, isa ako sa libo-libong taong dumaan sa'yo, tumambay pa nga ako. gusto mo I-slow-mo ko, para klarong-klaro? pero sana walang halong-biro, sa pag-daan ko sa'yo minsa'y napasaya kita at ako, ang i...