"Nana, ako nalang po ang pupunta sa Hospital." Presinta ko. Hindi dahil sa may pake ako ah, nakokonsensiya kasi ako kahit alam kong walang dahila yung "utot thing" ko kahapon sa pagka-break down niya. Ang kaso, nakokonsensya talaga ako paano kung kasalanan ko nga? Paano kung sensitive siya sa mga ganong amoy?
Tsk. Okay, ako na O.A! Pero nakaka-konsensya kaya naman, gusto kong malaman kung okay na ba siya, at ano ba talaga ang nangyari.
Paano kung mamamatay na pala siya? Edi, habang buhay ko dadalhin yun sa konsensya ko? Na naka-patay ako ng tao dahil sa utot? Hayy. Nagiging Retarded na ako. Putek.
"Ayiii, sige na Nana Merna, hayaan mo nang siya ang pumunta sa Irog niya." Sabi pa ni Josephine na kinikilig.
Irog? Yuck lang.
Tinignan ko lang siya ng masama, tumawa lang siya.
"Nana-"
"Hala, sige umalis ka na. Ikaw na ang mag-dala nitong mga gamit ni Sir Dylan mo. Ihahatid ka naman ni Roberto." Sabi saakin ni nana Merna na at tinutukoy si Roberto na syang Driver ng mansyon nila.
Tumango lang ako atsyaka nag-bihis at nag-paalam nang aalis. Pag-dating ko sa Hospital na pinag-dalhan ni sir dylan, dumiretsyo ako sa kwarto na okupado niya, nauna na si roberto umalis, mag-text nalang daw ako kung susunduin niya na ako.
Tinignan ko si sir dylan na natutulog, naka-talikod siya saakin. Lumapit ako sa higaan niya.
"Sir, alam mo. Kahit hindi ko naman talaga kasalanan, nakokonsensya talaga ako sa pag-ano ko kahapon, alam mo na. Tao lang naman din po ako, nag-lalabas ng mga masasamang hangin." Panimula ko. Alam kong tulog siya kaya hindi niya naman siguro malalaman yung mga pinag-sasasabi ko. Nagulat ako nang humarap saakin yung mukha niya, natutup ko yung bibig ko dahil, akala ko nagising. Hindi pala.
Umupo ako sa upuan sa tapat ng higaan niya, at tinitigan siya.
"Alam mo Sir, gwapo ka sana e. Kaso ang presko mo lang masyado. Hindi ko kaya yung ka-hanginan mo. Para ka ngang artista e, tignan mo ang kinis pa ng balat mo. Daig mo pa nga artista, natural ba yan? O plastic surgery lang din?" Natutuwang tanong ko. Nag-hikab ako.
"Sir, patabi muna ha? Kasi, kagabi hindi talaga ako naka-tulog. Alam mo yung feeling na sa sobrang konsensya mo sir, halos hindi ka na maka-tulog. Natakot kasi ako sir, baka mamatay ka- kasalanan ko pa." Natatawang sabi ko sakanya at tsyaka nilapat ang ulo ko sa kama niya.
Zzzzzzzz ..,
*******
*Dylan's Pov*
Nagulat ako pag-mulat ko nang mata ko, puro puti yung nakita ko. teka, nasaan ba ako? Tumingin ako sa kamay ko na may naka-tusok na dextrose, nasa ospital ako?
Pag-lingon ko sa gilid ko, nakita ko si Lyn, natutulog sa gilid ng kama ko.
Ano namang ginagawa nitong babaeng toh, dito?
Tinitigan ko siya, cute siya. Mukha siyang tutang ma-amo pagnatutulog. Matangos yung ilong niya, mahaba ang pilik-mata, maputi at makinis ang balat niya, kinulang lang sa height. Maganda siya. Hindi nga lang siya Sopistikada katulad ni Marielle.
Si Marielle. Frankly speaking, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Mahigit isang linggo na siyang hindi nag-paparamdam.
Maya-maya biglang nag-ring yung Cellphone ko. Si Oliver. Nag-text.
From: Oliver
"We're all going there."
I sighed. I need to go home already, I need to finished all my business matters, kailangan kong tapusin kung hindi, baka hindi matuloy yung balak kong makipag-merge sa kalaban kong kompanya.
BINABASA MO ANG
My Personal Arrogant Maid
RomanceAng buhay mo parang daan, malawak at maraming dumadaan, isa ako sa libo-libong taong dumaan sa'yo, tumambay pa nga ako. gusto mo I-slow-mo ko, para klarong-klaro? pero sana walang halong-biro, sa pag-daan ko sa'yo minsa'y napasaya kita at ako, ang i...