A Deal.

19 1 0
                                    

"So, was that a Deal?" Tanong saakin ni 'sir' Dylan. Nandito kami sa Library room nila at nag-uusap ng masinsinan. Halo yung emosyon kong nararamdaman. Una, amuse ako ng onti, dahil naalala niya ako at hindi niya naka-limutan malay ko kung bakit.

Pangalawa, iritado. Halata naman kasing gusto niya akong inisin.

Pangatlo, makukulong ako ng dis-oras!

At ang pang-apat ang gwapo niya at aware na aware ako dun, diyos ko may butterflies sa stomach ko na parang tinu-turn ako upside down!

Shit talaga. Packing Tape with stapler. Nagulat nalang ako nang ipa-tawag niya ako kay nana merna at binigyan ng isang brown envelope, nanlaki pa nga yung mata ko sa nabasa. Ang daming kasong pwedeng isampa saakin, una sexual harrassment? Ang pagkaka-alala ko e, hindi ko naman siya hina-rass, kinurot ko lang yung ugat sa may bandang part ng leeg niya, tapos yung sunod binasag ko yung windshield ng kotse niya at pinahiya siya sa mga tao sa mall.

Ano ba naman toh. Ang malas naman. Tsk. Makukulong daw ako pero dahil daw 'mabait' siya, hindi na daw sa isang kondisyon. Magiging P.M niya ako. As in Personal Maid. And I have to decide kung kulong O Maid. Tsk. I have no choice I can't be on Jail!

"Deal na po 'Sir.' " sabi ko at diniin pa yung word na 'sir'. I gritted my teeth. How dare him! Bukod sa mayabang na napaka-presko pa!

"Ay, parang hindi sincere." Nakangising sabi niya. Tinignan ko siya ng masama, aangal pa sana ako nang inangat niya yung brown envelope.

Bwisit siya.

"Deal na po sir, deal na deal na po. Payag na po akong maging 'Personal Maid' niyo sir, parang awa niyo na wag niyo akong ikulong." Sarcastic na sabi. @1#5$-#+-"?%+-#!!!!! Nakaka-baliw. Letsxhe.

"That's good for now. Next week, start ka na." Sabi niya saakin at kumindat pa. Masamang tinignan ko lang siya at padabog na lumabas ng Library room.

"Anong sabi ni sir?" Intrigang sabi ni Katherine.

"Wala."

"May gusto daw siya sayo?" Kinikilig na sabi naman ni Maria.

"Hindi noh."

"O, baka papakasalan ka na niya?" Sabi naman ni Maya, at tumitili-tili pa.

Anong pakakasalan? Sakalin ko yung amo niyo e!

"Namumula si Lyn!" Pang-aasar pa ni Josephine.

"Hindi ah." Tanggi ko, namumula? Oo. Dahil sa inism

"Ayiieeeee, Crush niya si sir Dylan!" Sabi naman ni Maya na kinikilig at nang-hampas pa, naki-hampas din sila Josephine, Maria , at Katherine.

Ugh! Ano ba tong napasukan ko.

*****

"Nana merna, paano po gawin toh?" Tanong ko kay nana merna. Ito kasi yung na-assign saakin na trabaho. For-goodness sake! Wala naman akong alam na gawaing bahay, ni hindi ko pa nga nasusubukang mag-walis o di kaya mag-punas ng lamesa.

Wala kasi ako lagi sa bahay dati, noong buhay pa naman si Dad, ayw niya akong pagawin ng gawaing-bahay, princess daw kasi ako, ang princess hindi daw pinahihirapan. I miss him.

"Ganito lang Hija - ganto. Maganda kung wawalisan mo muna yung hagdan." Panimulang sabi saakin ni nana merna.

"Paano po mag-walis?" Naka-ngiting tanong ko, napa-kamot lang si nana merna sa ulo. Pero, tinuruan niya pa rin ako.

Hanggang sa natapos ko na siyang walisan tinuruan niya rin ako kung paano yung pag-pupunas. Nang- matapos akong mag-punas mag-lalagay pa ako ng floor wax para maging makintab daw tignan.

Hindi pa ako tapos mag-lagay ng floor wax nakita ko si amo, hindi siya naka-ngiti at mukhang seryosong-seryoso, ano kayang meron? Kaninang umaga halos mapunit mukha niya sa kakangiti dahil sa pang-aasar saakin ah?

Naisipan kong bumaba ng hagdanan para sana mang-bwisit, nang makababa na ako napansin kong naka-tayo siya sa likod ng sofa at nagkakalikot sa cellphone niya.

Nilapitan ko siya.

"Sir, Gusto niyo po ng juice?" Naka-ngiting tanong ko.

"No." Seryosong sabi niya saakin.

"Eh, ano pong gusto niyo?" Tanong ko sakanya habang may naka-fake smile pa din.

"Wala" seryosong sabi niya pa rin saakin.

"Edi wala, mabuti nga inalok kita." Mahinang sabi ko, pag-talikod ko bigla namang nahulog yung ribbon sa uniform ko, tsk. Kainis naman, lagi talaga tong natatanggal, pinulot ko siya ng biglang ...

*ppppppppuuuuuuuuuutttt*

O__________________O

O___________________O

I just Fart! Kakahiya! Eeeeeeeeee!

Dahan-dahan akont lumingon sa direksyon ni sir Dylan, at nahihiyang ngumiti.

"A-ano. G-grabe sir noh? Ang tahimik kasi dito, pati tuloy utot ng langgam naririnig natin." Nahihiyang sabi ko. Ugh, Yung palusot ko men' ang lame!

Nagulat nalang ako nang bigla siyang mapa-hawak sa tiyan niya at mag-iba yung tema ng itsyura niya, parang ... Pain?

"Sir?" Nasabi ko nalang. Nagulat ako nang bigla niyang mabitawan yung hawak niyan cellphone kanina at bigla nalang natumba, pero tumayo agad siya.

"Hala sir. Mamatay na po ba kayo? Ang O.A naman po ng kakalabasan kung mamamatay kayo dahil sa utot diba? Ehhrr .." Napa-takbo ako papunta sa direksyon niya para saluhin siya. Good thing, nasalo ko siya pero, dahil mabigat siya natumba lang kami sa sofa. Napa-patong tuloy ako sakanya.

Napatingin ako sa mukha niya, gwapo talaga ang kumag. Ang kinis pa ng mukha, tapos mukhang kiss-able yung lips niya.

(0.0 ;) ano ba tong iniisip ko. Napa-tayo ako nang marinig ko yung boses ni maria.

"Uy, alam kong may gusto ka kay sir, kaso wag mong harassin masyado." Nang-aasar na sabi ni maria saakin, tumili pa ng mahina si maya na kasama niya.

*mental-slap*

"SiSirkasimamamatayna!" Mabilis na sabi ko, kahit ako hindi ko naintindihan yung sinabi ko. Pero, pansin naman sa mukha nung dalawa na na-gets nila yung sinabi ko at mabilis na tinawag si Nana Merna.

Tumawag sila ng ambulasya at maya-maya, dumating na. Nakita kong isinakay si Sir Dylan sa Stretcher, pero tumigil sila sa harap ko at bigla siyang nag-salita.

"Paki-bukas yung mga bintana, palabasin mo yung hangin na nilabas ng mga langgam .. " sabi niya at umalis na silang iniwan akong namumula sa hiya. Packing tape.

Kasalanan bang umutot? Lahat naman tayo umu-utot ah. Hmmp!

My Personal Arrogant MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon