"Nana!" Masayang tawag ko kay nana merna nang makita ko siyang sinasarado ang pintuan ng garahe. Humarap siya saakin.
"Oh, napaaga ka ata? Hindi ba't sinabi kong bukas ka pa pupunta diri?" Sabi saakin ni nana mernw nang lumapit siya para kunin yung maliit na bag ko na puno ng mga damit na gagamitin ko habang dito ako naka-tira.
"Ako na po." Sabi ko nang akmang kukunin niya yung bag ko.
"Alam ko po na bukas pa yun actually. Pero mas maganda po kung nandito na po ako, wala rin naman po akong gagawin sa hotel na tinutuluyan ko." Sagot ko sakanya.
"O, sya sya. Sige halina't pumasok ka na. Aba'y mas mabuti nga nang nandito ka na para hindi na ka na mahirapan bukas dahil sa trapik." Sabi niya saakin at inaya ako sa loob ng masyon, nagulat pa ako nang bahagya dahil wala yung mga ibang katulong, napag-alaman kong nag-two-day-off pala lahat at bukas pa dadating.
Hindi kami nag-linis ngayong araw, nag-pahinga lang ako, tanghali na rin nanaman. Bukas daw ang first day ko. At bukas pa daw dadating yung amo nila.
Pinag-kwentuhan pa ako ni nana merna tungkol sa amo niyang 'single' miski gwapo daw, miski mayaman, miski mabait .. At kung ano-ano pa. Na-excite tuloy ako. Sino kaya siya? Gusto kong makita siya.
Nagulat nalang ako nang maya-maya nag-sidatingan yung mga katulong, hindi daw kasi natuloy yung plano nila dahil masyadong malayo at baka matagalan sila sa pag-balik.
"Akala ko bukas ka pa?" Tanong saakin ni Maya.
"Ah -"
"Okay lang yan. Mabuti nga nandito na si - ano nga ulit pangalan mo?" Naka-kunot noong tanong niya saakin.
"Ya- " naputol ang sasabihin ko.
Hindi nga pala ako si Yanalyn Cheska Santiago ngayon ..
"Ya? Ya ano?" Tanong ni Maria saakin.
"Ah, Lyn. Lyn ang pangalan ko." Nakangiting sabi ko.
"Ah, Lyn. Alam mo may kamukha ka." Sabi saakin ni Maya.
"Oo nga e, napansin mo rin Maya?" Sabi naman ni Josephine ang cook nila dito.
"Oo, kamukha niya si - sino ulit yun? Yung model?"
"Hindi nga model yun! Artista yun -" sagot naman ni Maria.
"Model lang yun." Sabi naman ni Maya.
"Artista nga!" Sigaw ni Maria.
Hindi kaya ...
"Kamukha niya nga si Cheska Santiago!" Sabi ni Katherine.
Patay.
At yan, nag-banagayan nanaman sila.
"Alam niyo, kung ako sainyo. Hindi ko na pag-aawayan yung Si Cheska Santiago. Aba' hindi naman kagandagan, halatang nag-pa-retoke lang. Ayaw lang aminin." Sabi naman ni Jenna. Napa-kunot yung noo ko, ako? Nag-pa-retoke? Aba'aba- natural ako noh!
Kalma lang yana, remember. Baka makilala ka.
"Grabe ka naman Jen, hindi mo pa nga kilala yung tao, hinuhusgahan mo na agad." Sabi ko at fake na ngumiti.
"Oo nga" chorused na sabi nilang apat. (Katherine, Maya, Maria, Josephine)
"Aba' totoo naman noh, kaya nga lang siya gumanda kasi naka-make-up siya. Nagmamaganda pa." Naka-crossed arms pa na sabi ni Jena. Natahimik naman yung apat.
Ginagalit talaga ako nitong imburnal na toh ah'
"Excuse me lang ha, pero sa tingin ko hindi naman siya nag-mamaganda ingitera ka lang talaga." Inis na sabi ko sakanya. Sarap tadyakan. Kaazar.
BINABASA MO ANG
My Personal Arrogant Maid
RomanceAng buhay mo parang daan, malawak at maraming dumadaan, isa ako sa libo-libong taong dumaan sa'yo, tumambay pa nga ako. gusto mo I-slow-mo ko, para klarong-klaro? pero sana walang halong-biro, sa pag-daan ko sa'yo minsa'y napasaya kita at ako, ang i...