Thrill Revenge.

24 1 0
                                    

Saturday.

Typical day for me. Sa lunes pa daw ako bumalik sabi ni Nana Merna, kaya naman heto't bored na bored akong naglalakad dito sa loob ng mall, I don't wear make-up's at naka-simpleng damit lang din ako pero naka- 4 inches heels ako. Nag-iingat lang ako.Baka kasi may maka-kilala saakin, lagot na.

Bored na umupo ako sa isang upuan ng Food court ng Sm na toh, napa-salampak ako. Ano kayang pwedeng gawin ko? Hindi ako sanay na maging boring. Gusto ko may chills, na-miss ko tuloy mga kaibigan ko. Dati kapag naisipan naming pumunta sa mga malls, lagi kaming may mga dare na gagawin, sila na nga lang meron ako nawala pa. Tsk.

"Babe, can we go to your condo later?" Malanding sabi nung babae, napalingon ako sa kabilang mesa, napa-taas naman yung kilay ko nang mapansin kong hinawakan niya yung hita nung lalaking kasama niya.

Diyos ko naman, putragish. Ang aga-aga, ang halay nitong babaeng haliparot na toh.

"Offcourse babe, do you still want something?" Malanding tanong nung lalaki sa babae, yung babae naman kilig-na-kilig at siniksik pa lalo yung dibdib niya sa braso nung lalaking hindi ko makita yung mukha dahil naka-sideview pa.

"I want you." Narinig kong sagot nung babae, hesus'maryosep kalandian.

Bigla namang sumide- view yung lalaki, I know him. Kilala ko siya e, saan ko nga ba siya nakita? Hmmmm - ah! Siya yung lalaking may-ari ng kotseng tinalsikan ako ng tubig sa kalsada na imbis mag-sorry, kung ano-ano pang kadramahan yung sinasabi.

Tinignan ko lang sila, napangiti naman ako sa naisip ko, aha! Haha! Sa wakas may thrill na rin akong naisip na gawin.

Dali-dali akong lumapit sakanila nang mapansin kong tatayo na sila, kinuha ko yung isang basong tubig na may natunaw na yelo at binuhos ko sa mukha ng babae, gulat na gulat na tumingin saakin yung babaeng kasama nung lalaki.

"What the .. " hindi pa tapos mag-salita yung babae, sinampal ko na yung kasama niyang lalaki. Then, I burst out all my drama's.

"Sino siya?! Siya ba yung bago mong babae? Ha? Ha? Siya nanaman ba yung bago? Ha?" Hysterical na sabi ko at hinampas-hampas ko pa yung balikat nung lalaki.

"Bulshit Fuck! Ano bang pinagsasabi mo miss .." Inis na sabi nung lalaki saakin na hawak pa rin yung nasampal na pisngi niya.

"Sinasabi ko na nga ba e! At ikaw- malanding haliparot na babae." Sabi ko at dinuro-duro ko pa yung babaeng kasama nung lalaking umuusok na yung ilong sa galit.

"Bakit ang landi mo ha? Pumapatol ka ba talaga sa may mga asawa na?" Sigaw ko sa babae. Obvious na obvious naman yung pagka-gulat sa mukha ng babae.

"Look, miss. Hindi kita nga kita kilala -" inis na sabi saakin nung lalaki at napa-hawak sa batok niya niya at mahinang nag-mura nang makahakot na kami ng atensyon mula sa ibang tao.

"Ay, ano ba yan."

"Kawawa naman yung babae-"

"Sayang, gwapo pa naman sana siya."

"Manloloko lang pala." Narinig kong mga bulung-bulungan ng mga tao na nakikinuod saamin.

"Ah, so pagkatapos mo akong i-kama, hindi mo na ako kilala?! Ha? I hate you! Magsama kayo ng babae mo! Pareho naman kayong may malalanding bituka!" Sigaw ko at nagtatatakbo papuntang Cr, ni-lock ko yun at dun ako tawa ng tawa. Halos mamatay ako sa kakatawa nang ma-alala ko yung ginawa ko, haha. Sa wakas. Naka-ganti na rin ako sa bwiset na lalaking yun.

Siguradong hiwalay na sila nung girlfriend niya, buti nga.

Maya-maya nang mahimasmasan ako kakatawa, napag-pasyahan ko nang umuwi.

Paglabas ko dumaan ako sa may parking lot nang ma-alala kong hindi ko nga pala dala yung kotse ko, I was about to walk on the different way nanh biglang may humawak sa braso ko, nasigaw ako ng mahina sa gulat, bigla-bigla nalang kasing may nang-hawak e, samantalang walang katao-tao kanina. Tapos, medyo madilim pa.

"Wag ka ngang maingay!" Mahinang saway nung lalaki saakin. Hinila niya ako, binuksan niya yung sasakyan niya at sapilitang sumakay dun.

"Ano ba!" Reklamo ko, walang hiya toh' ah- hindi ko nga siya kilala ... Nanlaki yung mata ko nang makita ko yung mukha nung lalaki pag-kasakay niya sa Driver's seat. Why? Siya lang naman yung lalaking pinag-trip-an ko kanina!

"Saan mo ba ako dadalhin?! -" kabadong sabi ko, kinakabahan talaga ako, paano kung rapist pala tong pesteng toh?

Hindi siya sumagot basta nag-drive lang siya. Napa-tingin ako sa lock ng pintuan ng kotse, naka-bukas. Naipit kami sa traffic. This time, I had my Idea kung paano ako tatakas. Hinawakan ko yung leeg niya, nagulat siya at napa-tingin saakin. I smiled sweetly at tsyaka, mahinang kinurot ko yung leeg niya.

Yes! Success! Hindi siya naka-galaw. Well, I just used my *Chinese Defense technique* hindi niya naman ikamamatay yun, baka mga 2 minutes lang siya hindi maka-galaw.

I took the chance para maka-labas ng kotse niya. But, before that hinubad ko yung 4-inch heels ko at malakas na hinampas yun sa windsheld ng kotse niya. Ayun. Basag.

Pagkatapos, nagtatatakbo na ako.

Huh! Akala niya a-

Naka-ganti na rin ako, sa wakas.

No one would ever win with me not him.

***

My Personal Arrogant MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon