(9) #PLSOfficial

1K 64 2
                                    

- FIVE MONTHS LATER -

"Wow anak! Ang ganda-ganda mo talaga." puri sa akin ni Nanay.


"Si Nanay talaga nambola pa." sabi ko kay Nanay.


Oo nga pala, sa loob ng limang buwan ay sobrang daming nangyari:


Una, araw-araw akong nililigawan ni Stevie. Todo effort talaga siya sa panliligaw niya sa akin.


Araw-araw niya akong binibigyan ng bulaklak.


Araw-araw niya akong hinahatid at sinusundo.


Tapos ay lagi niya akong hinaharana which is finds me super kilig dahil sa ganda ng boses niya at sa titig niyang nakakatunaw habang kinakantahan niya ako.


At ito pa, lagi siyang nagpi-pick-up line na sobrang korni pero nakakakilig para sa akin.


At minsan ay niyayaya niya akong mag-date kapag may oras kami. Oh diba? Todo effort talaga siyang manligaw sa akin.


Pangalawa, lagi akong inaasar ng mga co-professors ko na sagutin ko na si Stevie. Pati nga si Nanay eh, nakiki-asar na rin. As always naman yan eh.


Pangatlo, may sari-sari store na si Nanay. Para naman may libangan siya habang wala ako.


Pang-apat, nahawakan ko na ang abs ni Stevie. Ang landi ko noh. Hahahaha! Joke lang iyon.


Panglima, hindi na abnormal si Stevie. Nagpa-party pa nga ako eh. Hahahaha!


Pang-anim, pumunta sina Stevie kasama ang kapatid niyang si Billy papuntang Europe para bisitahin ang kanilang mga magulang. Three months ago pa naganap yung pag-alis nila sa Pinas. Nalungkot nga ako noon eh dahil three months ko siyang hindi nakita. Pero sana ay hindi siya nambababae do'n.


...and the list goes down. Ang haba kasi eh. Baka antukin lang kayo sa pagbabasa. Hehehe!


Pero iisa na lang ang hindi ko pa nagagawa.


*tantararantantan*


*boom*


Iyon ay ang sagutin ko si Stevie bilang girlfriend niya.


"Ano ka ba anak. Hindi ako nambobola sa'yo. Nagsasabi kaya ako ng totoo. Ang ganda-ganda mo anak. Manang-mana ka talaga sa akin." sabi sa akin ni Nanay.


"Oo na Nanay, maganda na ako." sabi ko na lang kay Nanay.


Nga pala, papunta kami ngayon ni Nanay kasama si Louise sa NAIA Terminal para sunduin sina Stevie at ang kapatid niyang si Billy galing Europe.


At do'n ko na rin sasagutin si Stevie bilang girlfriend niya.


*flashback*

Professor's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon