(1) #PLSFirstEncounter

1K 64 1
                                    

NIKA

"Ang ganda-ganda naman ng anak ko. Bagay na bagay talaga sa'yo ang unipormeng yan." sabi sa'kin ni Nanay.


"This is it Nay. Matutupad na natin ang ating mga pangarap. Hindi niyo na kailangang magtrabaho para magkaroon tayo ng pera." sabi ko sa kanya.


By the way, I will introduce myself first. Hi! My name is Nika Anderson. Kapatid ako ni Gerald Anderson. Hahaha! Joke lang. I'm 21 years old. I am the new professor of De Guzman University of the Philippines. Ang saya ko nga nang matanggap ako bilang professor sa DGUP. Dream come true 'to para sa amin ni Nanay.


"Anak, salamat ha dahil lagi mo akong tinutulungan. Isa ka talagang mabuting anak." sabi sa'kin ni Nanay.


"Wala iyon Nay. Para naman sa atin 'to. Simula noong namatay si Tatay ay nagpursigi talaga ako sa pag-aaral para magkaroon tayo ng magandang buhay." sabi ko sa kanya.


"Hindi ko talaga pinagsisihan na maging anak kita." sabi ni Nanay sabay yakap sa akin. Niyakap ko rin siya.


"Sige Nay, alis na po ako." sabi ko.


"Mag-iingat ka anak. Good luck sa first day mo. Malay mo ay mahanap mo do'n ang lovelife mo." sabi sa'kin ni Nanay na may kakaibang ngiti.


"Nay, wala pa sa isip ko ang lovelife na yan." sabi ko.


"Nagbabakasakali lang naman ako anak. Gusto kong maging masaya ka." - Nanay


Si Nanay talaga. Siya lang naman ang kasiyahan ko at hindi iyon mapapalitan ng iba kahit poging lalaki pa yan.


Umalis na ako sa bahay para pumunta sa DGUP.


Bago ako pumunta sa DGUP ay napadaan muna ako sa tindahan para bumili ng chocolate drink. Iyon kasi ang nakagawian ko tuwing umaga. Ang uminom ng chocolate drink.


"Pabili nga po ng chocolate drink." sabi ko sa tindera.


May biglang sumingit na isang lalaki sa akin.


"Isang chocolate drink nga." sabi ng lalaki sa tindera.


"Naku! Iisa na lang po yung chocolate drink namin." sabi sa'min ng tindera sabay lagay ng chocolate drink sa harap namin.


Hinarap ko naman yung lalake.


"Pasensya ka na dahil ako ang nauna kaya sa akin 'tong chocolate drink." sabi ko sa lalaki sabay kuha ang chocolate drink.


"Miss, ako ang nauna. Pina-reserve ko lang yan sa tindera. Diba Manang?" tugon ng lalaki sabay agaw sa akin ang chocolate drink na hawak ko.


Kinindatan pa niya yung tindera. Yung tindera naman ay kilig na kilig. Sus, feeling gwapo 'tong lalaking 'to. GGSS. Gwapong-gwapo sa sarili.

Professor's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon