(8) #PLSConfess

1K 64 0
                                    

One week akong hindi pumasok sa DGUP. Mayroon naman akong excuse. Death anniversary ngayon ng tatay ko na nakalibing sa isang probinsya ng Samar which is malayo sa lugar namin. Dati kaming nanirahan noon sa Samar pero lumipat kami rito simula nang mamatay si tatay.


Pagkatapos ng one week na iyon ay babalik na ako sa DGUP. Ito ang first day ng pagbabalik ko. Kahit na isang linggo ko siyang hindi nakita ay hindi ko pa rin makalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi naman gano'n kadaling kalimutan iyon. Tapos mahirap din siyang iwasan dahil may mga time ding kailangan magkasama kami like school activities, etc.


Pagkarating ko pa lang sa DGUP ay kumunot agad ang noo ko nang sinalubong ako ni Ann.


"Huwag kang gagalaw." sabi ni Ann pagkatapos ay bigla niya akong piniringan.


"Teka, ano bang nangyayari?" tanong ko sa kanya.


"Basta sumunod ka na lang sa akin." sagot niya.


Sinunod ko naman si Ann kahit nagtataka ako. Saan niya kaya ako dadalhin?


Inalayan naman niya ako sa paglalakad.


"Nandito na tayo." sabi ni Ann sabay tanggal sa akin ng piring.


Pagkatanggal ko sa piring ay si Stevie agad ang unang bumungad sa akin. Anong ginagawa niya rito? At anong nangyayari? Bakit nandito rin si Ms. Cruz?


"Teka Ann at Ms. Cruz, anong nangyayari?" tanong ni Stevie. Mukhang wala rin siyang kaalam-alam sa pangyayari.


"Both of you need to talk. It's about your feelings towards each other." sabi ni Ann sa amin ni Stevie. Ha? Hindi ko ma-gets ang sinabi niya.


"Napapansin namin masyado na nag-iilangan kayo sa isa't isa kaya kami na ang gumawa ng way para mag-usap kayong dalawa." sabi naman ni Ms. Cruz.


Teka, naguguluhan ako sa ginagawa nila.


"Huwag niyong sasayangin ang ginawa naming effort at dapat paglabas namin ay... alam niyo na..." - Ann


Anong alam niyo na? Ang gulo naman nilang dalawa.


Napansin kong may nakahandang mesa sa harap namin ni Stevie na good for two. May nakahanda nang pagkain at drinks. Yung tipong pang-date siya.


Pina-upo naman kami nina Ann at Ms. Cruz. Bale magkaharap kami ngayon ni Stevie.


"Bibigyan na namin kayo ng moment na magkaaminan sa isa't isa. Kami na mismo ang gumawa nito para sa inyo dahil napakatorpe niyo." sabi sa amin ni Ms. Cruz.


Ha? Anong ibig sabihin ni Ms. Cruz?


O____O


Ang ibig ba niyang sabihin ay aaminin ko na ang feelings ko kay Stevie?

Professor's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon