Ilang araw nang laging kasama ni Stevie ang Ann na iyon. Pinapansin lang niya ako kapag may importante siyang sasabihin. Pakiramdam ko ay lumalayo na ang loob niya sa akin. Gusto ko na ngang maiyak eh.
"Mukhang malalim yata ang iniisip mo ngayon Ms. Anderson." sabi sa akin ni Ms. Cruz.
Hindi naman ako nagsalita.
"Alam kong si Stevie ang dahilan kung bakit ka ganyan. Napapansin ko kasing hindi ka na niya masyadong napapansin simula nang magkita ulit sila ng kaibigan niyang si Ann." dagdag pa niya.
Alam talaga ni Ms. Cruz ang nasa isip ko. Pero wala pa rin akong imik.
"Hay naku Ms. Anderson. Imbes na magmukmok ka diyan ay gumawa ka ng way para mapansin ka ulit niya." sabi ni Ms. Cruz.
Oo nga noh. Bakit hindi ko iyon naisip? Siguro ay ako na ang gumawa ng first move para makausap ko si Stevie.
Pero paano?
Ipagtimpla ko kaya siya ng kape? Tama.
Pumunta ako sa mini kitchen para magtimpla ng kape.
Nang makapagtimpla na ako ng kape ay nilapitan ko agad si Stevie. Nakita ko siyang may inaasikasong mga papeles.
"Kape para sa iyo." sabi ko kay Stevie sabay lapag sa mesa ang kape.
"Salamat Nika." tugon niya habang busy pa rin siya sa mga tinitignan niyang papeles.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya.
"Mamaya na siguro Nika. May ginagawa pa kasi ako." tugon niya.
"Gano'n ba?" malungkot kong sabi. Mukhang wrong move yata ako.
"Stevie, samahan mo naman ako sa mall."
Biglang lumapit sa kanya si Ann.
"Ngayon na?" tanong ni Stevie sa kanya.
"Ngayon na." sagot ni Ann.
"Sige Ann. Mamaya ko na lang siguro 'to tatapusin." sabi ni Stevie at umalis na siya kasama si Ann.
Ako naman ay parang hindi makapaniwala sa inakto niya. Sa akin busy siya pero kung si Ann ay may time siya palagi. Siguro nga ay may gusto sa kanya si Stevie.
Maybe I should give up. Wala na akong pag-asa pang magugustuhan ulit ako pabalik ni Stevie.
- FAST FORWARD -
Sinimulan ko na ang oplan kong iwasan si Stevie. Ito na rin siguro ang way ko para mawala na ang feelings ko sa kanya.
Pagkatapos kong magturo ay inayos ko na ang gamit ko para maka-uwi sa bahay.
"Sabay na tayo Nika." narinig kong sabi ni Stevie.
Pero hindi ko siya pinansin at naglakad na ako palabas ng room.
"Teka lang Nika." narinig ko pang sabi ni Stevie.
Tama ang ginagawa mo Nika. Ignore him.
Mas lalong kong binilisan ang paglalakad hanggang sa nakita kong hinahabol na niya ako.
"Sandali lang Nika." tawag niya sa akin.
I need to run fast.
Agad naman akong tumakbo hanggang sa makaabot ako sa may gate. Saktong may nakaparang taxi doon.
Agad naman akong sumakay at sinabihan ko agad ang driver na paandarin ang taxi.
Hay sa wakas at hindi na niya ako naabutan pa.
Tama lang ang ginawa mo Nika. Para na rin 'to sa ikabubuti ng puso mo. Siguro ay hindi nga siya para sa'yo.
**********
The end is near. Magkakatuluyan kaya silang dalawa o mananatili silang manhid sa isa't isa?