(5) #PLSFriends

1K 63 0
                                    

NIKA

- NEXT DAY -

Grabe, ang sarap namang yakapin ang unan na 'to kahit matigas.


Inamoy ko ang yakap kong unan. Teka, bakit amoy tao?


Inimulat ko ang aking mga mata.


-____0


0___0


"Pwede na ba ako maging unan mo?" - Stevie


O___O


*dug dug dug dug dug*


Napalayo agad ako sa unan—este kay Stevie. Hindi pala unan ang niyayakap ko kundi si Stevie pala. Waaaaa! Nakakahiya naman ang ginawa ko sa kanya.


"Gising na pala kayo. Sakto at nakahanda na yung agahan." sabi sa'min ni Nanay.


Tumayo agad ako at iniwan ko si Stevie sa banig. Hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa kong pagyakap sa kanya.


Sabay kaming tatlong kumakain ng agahan. Ako naman ay naka-focus lang ako sa pagkain ko. Ayokong tignan siya. Nakakahiya yung ginawa ko kanina.


Pagkatapos kong kumain ay nagdire-diretso ako sa CR para maligo. Todo iwas pa rin ako kay Stevie. Kailangan kong maghanda para sa school.


Pagkatapos kong maligo at maghanda para sa school ay nagpaalam na agad ako kay Nanay.


"Sandali lang anak." pagpipigil sa'kin ni Nanay sa paglalakad.


Tumigil naman ako at bumalik kay Nanay.


"Ano po iyon Nay?" tanong ko kay Nanay.


"Hintayin mo muna yung kasama mo. Malapit na siyang matapos." sabi niya sa'kin.


Nakita ko naman si Stevie na nakabihis na.


*dug dug dug dug dug*


Waaaa! Ang lakas ng tibok ng puso ko nang makita ko siya.


"Anak, ayos ka lang ba? Bakit ayaw mong magsalita?" - Nanay


Bumalik ako sa huwisyo nang magsalita si Nanay.


"Ah sige Nay. Una na po ako." sabi ko kay Nanay at kumaripas agad ako ng takbo.


"Nika, sandali lang. Hintayin mo ako." narinig kong sigaw ni Stevie.


*dug dug dug dug dug*


Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko.

Professor's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon