Chapter 4

4 0 0
                                    

Neisa's Point of View

Gumising ako ng 11:30 at sobrang sakit ng ulo ko. Punyeta. Wala akong naalalasa nangyari kagabi. Ang huli kong naaalala ay pinauwi na'ko agad ni Bryle matapos yung naganap sa campus tapos....

"Putang ina wala talaga." bulyaw ko. Pinilit kong alalahanin kung pano ako nakatulog pero ang blangko ng utak ko at ang sakit pa. Nagsak na bagsak katawan ko ngayon na tila namamanhid. Di ko talaga maramdaman paggalaw ng buo kong katawan.

Ganito ba pakiramdam ng patay?

Since tanghali na rin naman ako nagising, di nalang ako pumasok. Wala rin naman gagawin sa school eh.

Bigla akong may naalala at kinuha ang phone ko , tinawagan si Pao gamit ang messenger.

*Ringing...*

"Neisa?"

"Pao!"

"Oh? Naatawag ka?"

"Gusto lang kitang kamustahin. Okay na ba yung sugat mo?"

"Ah yun ba. Wala namang gasgas pero may pasa ako. Wag ka magalala, bukas hindi mo na tun makikita. Ititiklop na namin yung lalaking yon---"

"Hoy! Umayos ka nga! Di magamdang biro yan!"

"Joke lang! Eto naman. Bakit nga pala hindi ka pumaso---"

*Ended.*

Tinatanong ko kang naman kung okay ba sya, ang dami pang sinasabi. Bumaba ako ng apartelle at kumatok kela Becka.

"Bakit ate Neisa?"

"Diba kailangan nyo ng tindera mamaya sa shake stall nyo? Pwedeng ako nalang?"

Tinawag nya si Nay belen. "Nay si ate Neisa daw, gusto maging tindera sa shake."

Lumabas si Nay belen. "Talaga ba?"

"Pwede po ba nay? Wala na rin naman po akong gagawin eh"

Gulat ako ng nilagay nya ang palad nya sa noo ko. "Iha, may lagnat ka." sabi nito.

Ha? Kailan pa? "Anak, nag-iinit ang katawan mo. Paniguradong may lagnat ka." pinakiramdaman ko naman ang sarili kong katawan kung mainit ba.

"Hindi ko alam na may lagnat ako." ani ko.

"Luh te? Pwede ba yon? Di mo nararamdaman na may lagnat ka?" Tanong ni Becka at umiling naman ako.

"Seryoso? Manhid kaba?" Tanong nya uli.

"Hindi rin." sagot ko.

JUST ONE TIME (One Shot Story)Where stories live. Discover now