Neisa's Point of View
Magsisimula na naman ang pasukan, at heto pa rin ang buhay ko. Puro K-drama, Oppa dito, Oppa doon. K-pop dito, Kpop doon. Daily routine ko na ata.
Puro na lang puyat, ayan tuloy si eye bags, lumalaki at umiitim.
"Eisa! Kumilos ka na! Anong oras na ah?" sigaw ng aking butihing ina. Hays.
Tumingin ako saglit sa oras. 6:41. Patay! Hindi pa ako nakaka-uniform. Mindali ko na lahat lahat.
Pagsisipilyo, pagpapabango, pagtatawas, lahat ng mga baho sa aking katawan ay inayos ko na. Mahirap na, mamaya maamoy pa ako ng mga kaklase kong anlalakas ng pangamoy. Eh di rin naman katangos tangos. Tsk.
"Ma! Malelate ako ng uwi ah, magkikita pa kami ni Marga sa UniCafe eh. Babush!" Pagsisinungaling ko. Ang toto nyan ayoko lang talaga umuwi ng maaga. Madaling madali na ako dahil anjan na rin yung uber na sasakyan ko.
"Bago ka umalis, ikaw ba...eh nakaligo na?"
Huminto mg mga ilang minuto ang paligid ko at napaluwa ng mata nang malaman kong hindi pa pala ako nakakaligo.
"Ma naman! Bat mo pa pinaalala?! Paalis na ng ako oh! naman oh!" tila nagpapapadyak ako ng paa habang nagmamaktol ng paa.
Sa lahat ba naman kasi ng pwedeng kalimutan.
Napasapok na lang ako sa ulo
Mga notebook, baon ko, bra ko, panty ko, pwedeng pwede kalimutan e. Bakit ngayon, yung pagligo pa?!
Bahala nang maamoy! Basta present! Hmp!
Umalis na ako dala dala ang aking bag na mala-maleta sa laki. Masipag kasi akong bata kaya nagdadala ako ng bato pati sa school.
Pagbaba ko, nasa labas agad yung uber kaya di na'ko nagatubiling sumakay. "Manong!!! Sa St. Ve Lara University lang ho. Salamaaaaaat!" masaya kong bati. Para kahit na maamoy nya kabahuan ko, atlis malaman ni manong na mabait ako. Oha.
"Mam, College na ba kayo?" sambit ni manong.
"Opo, manong. Bakit? Mukhang kinder ba ako?" pabalang kong sagot at tiningnan sya sa salamin sa harap.
"Kasi naman mam, agaw pansin yang headband mong pagkalapad lapad. Ganyan ba talaga kapag college? Required ba yan?" agad akong napatingin sa mata ni manong habang nakahawak sa dibdib ko na tila nagulat sa pag pansin nya sa headband ko.
Judgemental.
'Kung maka lapad naman 'to. Buti nga headband lang yung malapad e. Kamusta naman yung noo mo, manong?'
Tsk. Kapag etong si manong, naging pasahero ko kung sakaling maging uber driver ako. Nako! baka binangga ko na yung kotse.
Nilabas ko ang cellphone ko at tiningnan ang itsura ng headband ko. Wala namang masama sa headband kong kulay white na polkadots ah. Ganda ganda nga eh.
*PEEEEP*
"Aray!!!" pagkapreno, nauntog yung ulo ko sa may salamin ng kotse. Huwaw. Kuya! Nananadya ba?!
YOU ARE READING
JUST ONE TIME (One Shot Story)
Fiksi RemajaMay mga bagay sa mundo na pilit na'ting maibalik kahit hindi na pwede At may mga bagay rin na kusang bumabalik kahit ayaw na natin... Minsan may mga gusto tayong ipaglaban kahit wala na tyong karapatan. Ang tanong... Pano nga ba tuluyang makakaalis...