Neisa's Point of View
Nadatnan ko si mama na nagliligpit na at madaling madali sa gawain nya. Napahinto sya nang makita ako sa pintuan.
"Ma?"
Nagpatuloy uli sya sa pagligpit at tila parang walang narinig. "Ma bakit naman napa-aga?"
"Akala ko sa katapusan pa yung balik mo don?" inayos ko yung sarili ko at pinigilang maluha.
"Pasensya anak ha. Gusto kong magtagal dito pero si Malcom, yung bunso mong kapatid nahulog daw sa hagdan kasi walang nabantay." di na nakayanan nito ang luha sa kanyang mga mata kaya bumagsak ito bigla.
"Ma. Ma sorry. Hindi ko alam na yun yung nangyari sa kanya. Sorry ma. Pinilit pa kitang umuwi dito dahil pinairal ko na naman yung selfishness ko. Pasensya ka na."
Ako. Ako ang may kagagawan kung bakit napahamak yung bunsong anak ni mama. Inaako ko na lahat ng kasalanan. "Anak hinde. Wag kang magsosorry dahil kailanman walang may gusto non. Ako amg dapat humingi ng sorry sayo. Sa lahat lahat."
I cant help it but to cry. "Ma..."
"Sa pagiwan ko sayo ng 12 years. Sa pag abandona ko sayo. Sorry. Nagkulang ako bilang isang ina at patuloy akong nagkukulang."
parehas kaming humahagulgol sa iyak.
"Nahihiya na nga ako sayo kasi ko yung nanay mo pero sa kada pag daan ng birthday mo wala ako sa tabi mo. Walang nagaaruga sayo. Walang anjan para sayo."
Oo lahat ng iyon totoo at tiniis ko over the past 17 years of my life pero alam ko na hindi ako nagtanim ng galit kay mama dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Naiintindihan ko lahat. Naiintindihan ko naman.
"Pero tandaan mo ha. Mahal na mahal kita anak. Kailangan ko nang umalis." sabi nito at hinalikan ang noo ko. Hindi na ako nag-atubili pang habuli sya dahil wala rin naman akong magagawa at hindi ko rin naman syang kayang pigilan.
Naiwan na naman ako. Mag isa na naman ako.
Niyakap ko na lamang ang sarili ko dahil wala namang ibang gagawa non para sa'kin.
Maya maya'y biglang may kumatok sa pintuan. "Bry..." yakap ko sa kanya nang dumating sya.
"Neinei.."
Napatingin ako sa gawing likod na nagsalita. At hindi lang pala sya ang naririto.
Andito rin sila Cris at Lupe, pinakita nila ang mga pagkain nilang dala. Mabuti na lang at nakatigil na'ko sa pagiyak. "Incomplete ata kayo?" kunot nuo kong sabi.
"Pasok kayo."
"Yung iba kase my kanya kanya agenda kaya kami nalang tatlo ang walang gagawin so naisipan namin na puntahan ka. Buti nga sinamahan kami neto ni Bryle eh" Ani ni Lupe
YOU ARE READING
JUST ONE TIME (One Shot Story)
Genç KurguMay mga bagay sa mundo na pilit na'ting maibalik kahit hindi na pwede At may mga bagay rin na kusang bumabalik kahit ayaw na natin... Minsan may mga gusto tayong ipaglaban kahit wala na tyong karapatan. Ang tanong... Pano nga ba tuluyang makakaalis...