Neisa's Point of View
Nakatungtong ako sa wakas sa school. Ang lahat ay may pinagkakabusyhan. Di ko alam kung anong meron pero ang daming estudyante nasa labas ng building ngayon.
"Hi ate! Please join our bar craze club!" may babaeng nagbigay sakin ng papel.
"Uhm wait para san 'tong booth?" tanong ko
"Para sa English Month po ate!" sambit ng babae.
Kaya pala ang daming banderitas sa labas ng school. Naghahanda pala ang lahat para sa English Month. Kung gayon ay, 30 minutes lang pala klase namin kada subject.
Iniisip ko naman kung papasok ba ako o hindi since halos lahat naman ng estudyante andirito. Why not maki-join diba--maki-join sa hindi nila pag pasok hehe.
Pumasok ako sa loob ng building para pumunta sa locker ko. Maski sa loob ng building ay pinaghahandaan nila. Isa 'to sa mga favorite ko sa school namin. Kapag may mga events, lumalabas yung mga talento ng mga estudyante sa pag dedesign.
Binuksan ko ang locker ko at nagpasok ng iilang librong hawak ko. Bawasan natin yung bigat na bitbit ko dahil nakakaabala sa buhay.
May isang lalaki naman na biglang panay tingin sa mukha ko. Di ko sya pinapansin pero nahahalata ko yung mga kilos nya. Wtf? Anong problema nito? Umagang umaga nang-uulol.
"Anong kailangan mo sa mukha ko?" pag kompronta ko sa kanya.
Lumaki ang mata ko nang makilala ko ang mukha nya. "Ikaw!" turo nya sakin.
"Sino?" Maang-maangan kong tanong.
Lumapit sya sa'kin samantalang ako naman ay napapaatras. "Tandang tanda ko mukha mo. Mabuti at nakita kita ngayon." Nakangisi nitong sabi.
"Ikaw yung babaeng nanira sa moment ko sa labas nung isang araw." matigas nitong sabi.
"Ahh hahahha. Ikaw yung gagong lalaking nakaluhod non diba? Ay teka sino na niluhuran mo non? Cristy? Crysta--crystal! Ayun. Oo nga. Si gago at si paasa." sarkastiko kong sabi.
Halata sa mukha nya yung pagkapula ng buong mukha. Nagalit ko ata. "Ulitin mo sinabi mo?!" galit nitong sabi.
This time ako naman ang lumapit at sya naman ang napaatras. "Ikaw yung gagong lalaki." bulong ko sa kanya.
"Mag dahan dahan ka sa pananalita mo dahil hindi mo kilala kung sino ako" Bullshit. Ang gasgas na ng mga ganyang pakulo. 'Hindi mo kilala kung sino ako' Akala mo naman kung sinong mayabang para magkainteres akong kilalanin sya.
"May mapapala ka ba kapag hindi kita kinilala? Enough na yung gagong word para sayo."
Naglakad na'ko pero pinigilan nya ako at akmang sasampalin. Buti naka-ilag ako ng mabilis. Aba't. "Wala kang karapatan pagsalitaan ako ng ganyang bagay."
"Oh boy i do have. It's called free speech." Pangaasar ko. Siguro matinding kahihiyan ang inabot nito sakin nung isang araw kaya galit na galit sa'kin.
YOU ARE READING
JUST ONE TIME (One Shot Story)
Novela JuvenilMay mga bagay sa mundo na pilit na'ting maibalik kahit hindi na pwede At may mga bagay rin na kusang bumabalik kahit ayaw na natin... Minsan may mga gusto tayong ipaglaban kahit wala na tyong karapatan. Ang tanong... Pano nga ba tuluyang makakaalis...