Neisa's Point of View
Maaga akong napasok ngayon. Alam kong last day na 'to ng mga booths kaya naman nakakahiya kung hindi ko tutulungan ang Sun Eagles. Habang naglalalad sa loob ng building, may nakakuha ng atensyon ko sa sulok ng hallway. Isang babae ang sumisigaw kaya out of curiosity akong nadala ng mga paa ko para man-chismis.
"Ang desperado mong tingnan! Nakakahiya ka na! Respect me and my decisions! Dahil sayo ayaw na akong pag aralin dito ng parents ko. My god!" Narinig kong sigaw ng babae at saka naglakad palayo. Laking gulat ko nang makilala ko yung lalaki, sya yung sinabihan kong gago , sya rin yung sumuntok kay Paolo. Naiwan sya na nakaupo at nakasandal sa locker.
Nagdadalawang isip ako kung tutulungan ko ba sya o hindi. Dahil kung hindi ay parang nakaganti na rin ako sa ginawa nya kay Pao...
Akma akong maglalakad palayo pero hindi eh. Hindi mo ugaling gumanti, Neisa.
Lumingon ako sa kanya. Nakakalungkot, ang hirap makakita ng lalaking umiiyak.
Nilabas ko ang panyo sa bulsa ko at lumapit.
"Sa susunod hindi dapat pinapakita ang pag kadesperado nating mga talunan sa pag-ibig. Kasi hindi pa rin yun makakatulong para maibalik sya o yung dating kayo." Seryoso kong sabi.Humihikbi syang tumingala para makita ako. Di ako nagpakita ng kahit anong emosyon sa aking mukha.
Tiningnan nya akong ng masama at saka tinanggihan ang panyo ko. "Ito na ang pangalawang beses na nakita kitang umiiyak dahil sa iisang rason. Kaya tanggapin mo na 'to dahil ito na yung huling beses na aalukan kita ng panyo." Sabi kong muli.
Hinablot naman nya agad ito nang pagalit. Tch. Sama ng ugali. Naglakad na'ko palayo.
"Teka!!" Nilingon ko naman agad sya. Hindi sya nagsalita kaya naman bumalik ako sa pwesto nya.
"T-"
Hindi pa nya natatapos ang sasabihin nang magsalita na agad ako. "You're welcome."
"Bakit bigla kang bumait sa'kin sa kabila ng dalawang beses kong pag ambang sayo ng kamao ko?" hindi sya deretsang nakatingin sa mata ko.
"Yung mga simpleng bagay gaya ng ginawa mo, kinakalimutan ko na agad." Sagot ko
Marahan syang tumingala sa'kin. "W-why?"
"Ayoko nang maraming iniisip at dinadalang problema at stress sa buhay." Sagot ko pa.
"T-thank you anyway. Badtrip. Hindi ko inexpexpect na may tutulong sa'kin at ikaw pa." Ngisi nito.
"Porket ba may nagawang kasalanan sayo yung isang tao, bawal nang tulungan?" Gulat sya sa sinabi ko. Ano namang nakakagulat don?
YOU ARE READING
JUST ONE TIME (One Shot Story)
Teen FictionMay mga bagay sa mundo na pilit na'ting maibalik kahit hindi na pwede At may mga bagay rin na kusang bumabalik kahit ayaw na natin... Minsan may mga gusto tayong ipaglaban kahit wala na tyong karapatan. Ang tanong... Pano nga ba tuluyang makakaalis...