cont...

4 1 0
                                    

Tristan POV

Nakakatawa talaga yun si nerdy!hahahahahahah....Marunong na din syang ipagtagtanggol ang sarili nya pero halatang natatakot pa!hahahahahahah

Andito ako ngayon sa labas ng room namin, binabantayn si nerdy. Alam mo na kahit ganyan yan, ayaw ko pa rin mapahamak yan. Hindi ako nagpahalata sa kanila na nakikinig at nag-aabang kung anong gagawin ni nerdy para maligtas nya ang sarili nya.

Nagbulungan pa yung mga unggoy. Hmmmmmm.......ano kayang plano nila para kay nerdy. Sa wakas umalis na sila. Lumayo muna ako sa room para hindi halatang nakikinig sa kanila.

Asan ba yun kasing pinsan ko. Bumalik ako agad sa room. Tama nga ang hinala kong hindi nga sya magrerecess.... Mapuntahan nga sya.

"Nerdy ikaw pala, bakit andito kapa ngayon? ayaw mo bang kumain muna? O baka naman hindi kapa makarecover sa takot mo sa kanila?!"

"Hoy! Tristan hindi ako takot no! hindi lang talaga ako gutom. Tsaka paki mo ba ha! 

"Ako na nga itong concern sayo no!"

"Concern ba ang matawag na ganun?! Tsaka bakit mo ba ako laging inaaway? hindi naman kita inaano dyan. Hindi ka naman nakakatulong sa akin eh buti pang iwanan mo na ako"

"Tsssss.......Bahala ka dyan! Wag na wag kang humingi ng tulong sa akin ha!"

"Aba, hinding hindi ako hihingi ng tulong sayo no!"

"Ok, sabi mo eh!"

Iniwan ko na rin sya! ayaw mo pala ng tulong ko ha! Tingnan lang natin....

Makapunta na nga lang sa canteen. Gutom na nga rin ako. Hmmmmmm...Ano kaya ang masarap kainin dito.

"Uy! Tristan ikaw pala, nakita mo ba si Mae?" sabi ni Richmond

"Oo, andun sya sa classroom. Teka kanina ka din nya hinahanap eh!"

"Ganun ba?! nagpasama kasi sa akin si Charice kaya nawala sa isip ko si Mae."

"Bilisan mo na, baka mapahamak yun, may masamang balak kasi si taba sa kanya."

"Ano?! sige mauna na ako."

Tumango nalang ako. Bahala na sila sa buhay nila. Hindi nalang ako kumain sa canteen kasi puno na kaya napagpasyahan kong sa rooftop kumain. Pagkadating ko dun may narinig akong may nag-uusap kaya sumilip muna ako para malaman kong sino sila.

Si Charice pala at ang kanyang mga aso, este mga kaibigan. 

"Humanda sa akin yang pangit na yan! Ilalayu ko sa kanya si Rich." sabi ni charice sa mga kaibigan nya

"Halata naman girl na may gusto sayo si papa Richmond. Ayeeeeeee!heheheh.....so anong plano mo?"

"Hmmmmmm....mas maganda kung pag-aawayin natin silang dalawa para mawala na sa aming landas si pangit!hahahahahah"

"Uy! maganda yan ah! Mabuti nalang president ka sa ating drama club. Go girl!" sabi nung isa

Tssssss.... Mga bruha talaga! Bakit ba sila galit na galit kay Mae? hindi naman sila inaano?! Magmamasid muna ako sa kanila.

Only for UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon