Chapter 8

34 0 0
                                    

Chapter 8

ABALA si Tiffany sa pag aayos ng gamit ng kanyang anak ng biglang nag ring ang kanyang cellphone. Agad siyang tumayo sa kama at nag punta sa study table niya para sagutin ang tawag.

“Mula sa Pilipinas…” usal niya sa sarili. Pag pindot niya ng green na button, “Hello?” bati niya sa kabilang linya.

“Anak…” sa puntong iyon ay alam niyang ang kanyang ina ang nasa kabilang linya. Ngunit umiiyak ito.

“Ma? Bakit po kayo umiiyak?” tanong niya sa ina na hindi niya narin maialis sa sarili ang kaba.

“Anak, you have to go back as soon as possible…”

“Bakit po may problema po ba?”

“Your dad is in critical condition.” sa narinig ay hindi niya na napigilan ang pag iyak.

“Bakit po? Anung nangyari sa papa?”

“Inatake na naman siya.” huminga ng malalim ang matanda. “Please anak… Umuwi ka na… Gusto ko narin makita ang apo ko...” tumikhim ito at muling nag salita, “Your father is dying anak. Binigyan na ng dalawang linggong taling ang papa mo.”

“Po? Opo ma, uuwi ako. Mamaya rin po magpapabook na ako. Please ma, tell papa na hintayin kami ni Antonia…”  napahagulgul na siya sa iyak.

Matagal tagal rin nag usap ang mag ina ng ibinaba niya na ang telepono. Hindi niya maialis sa sarili ang kabahan dahil sa kondisyon ng kanyang ama.

Limang taon na pala siya sa Ireland. Ilang beses sumagi sa isip niya ang bumalik na lamang ng Pilipinas. Pero ni isang beses ay hindi niya ginawa.

Ayaw niya makita si AJ, ang ama ng anak niya. Bakit? Dahil hindi nito gusto ang pagibig na nararamdaman niya dito. At alam niyang nagpapaka sasa na ito sa ibang babae niya.

Ang pagpapakasal nila sa isa’t isa ay nangyari hindi dahil sa mahal nila ang isa’t isa kundi dahil sa isang moral na obligasyon.

At ang pagkakaroon nila ng anak ay isang aksidente lamang. Dahil alam niyang may ibang mahal ang asawa niya.

Tumayo muli si Tiffany at binuksan ang telebisyon.

Naka konekta sila sa Filipino Channel kaya hindi siya masyado na homesick. Pagbukas niya ay bumungad sa kanya ang isang sikat na news program sa Pilipinas.

Balitang sports naman tayo mga kaibigan. Kahapon lamang ay sa pangalawang pagkakataon ay inawardan bilang PBA  MVP ng latest season ng Philippine Cup ang The Loverboy ng Rondo Fuel Blazers na si AJ Pascual...’

Napatulala si Tiffany sa nakita.

Hi AJ, so anung feeling mo na sa pangalawang pagkakataon ay MVP ka na naman ng PBA?” tanong ng sportscaster kay AJ.

“Of course, I’m really happy. Dahil hindi ko talaga ineexpect na makukuha ko ulit to.” sagot niya.

“Kanino mo dinededicate ang award na to?” tanong muli ng sportscaster.

“Well… Of course kay God, sa family ko, sa mga fans, and most especially sa wife ko na si Tiffany.”

“You mean, you really got married? Totoo pala ang issue?”

“Yes totoo yun.”

“When did you got married?” takang takang tanong ng reporter.

“Uhm five years ago. It’s actually a secret marriage."

“Any message for her?”

I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon