I Love You (Prologue, Chapter1)

97 0 0
                                    

Epilogue

‘ALL PASSENGERS boarding to the Philippines via Philippine Airlines flight PR 811, please proceed to gate 3.

All passengers boarding to the Philippines via Philippine Airlines flight PR811, please proceed to gate 3. Thank you.’

Agad na tumayo si Tiffany at kinuha ang bag at nag lakad papuntang boarding gate kasama ang anak. Pilit parin siyang nababagabag kung anung mangyayari sa Pilipinas.

Hindi alam ng mama niya ang pag uwi nila ng anak niya dahil iniisip niyang baka makarating ito sa asawa.

Ilang oras nalang nasa Pilipinas na muli siya.

Kinakabahan na siya ng sobra.

Alas-nueve y media ng umaga ng makalabas sila ng Airport. Agad silang sumakay ng anak niya sa taxi at nag pahatid sa The Heritage Hotel para dun muna iiwan ang mga gamit nilang mag ina.

Hindi mawala ang ngiti sa mukha ng kanyang anak dahil sa unang pagkakataon ay aapak ito sa Pilipinas. Sa Ireland niya na ito ipinanganak ngunit Filipino citizen parin ito.

 Ibinaba lang nilang mag ina ang bagahe nila sa concierge ay sumakay muli silang mag ina sa taxi papuntang Makati Medical Center.

Pag baba nila ng taxi ay nag dirediretso sila sa Informations para itanong kung saang kwarto naroon ang ama.

Sa labas ng Private suite ay nakita niya ang mama niya na nakaupo sa isang upuan at nakayuko.

“Ma…” sabi niya dito at nilapitan.

Tumingala ito, “Anak…” tumayo ito sa kinauupan at niyakap ng mahigpit si Tiffany.

“Ma… Kamusta na si Papa?” humiwalay siya sa ina at tinignan ang anak. “Ma, si Antonia. Anak ko…”

“Aba ang ganda ganda pala ng apo ko sa personal eh… Halika dito hija,kiss lola…” lumuhod ito at niyakap ng mahigpit ang bata.

“You’re my lola?” natutuwang tanong ng bata.

“Yes I’m your lola…” tinitigan ni Teresa ang apo. “Anak ka nga talaga ni Anthony…” mangiyak ngiyak na dagdag ng matanda.

Kahawig ito ni AJ, babaeng version nga lang. Lamang ay nakuha nito ang kulay ng buhok ni Tiffany na mamula mula. Singkit rin ang mga mata nito tulad ng sa ama at matangos rin ang ilong. At malaking bulas sa edad na apat at anim na buwan.

“Ma, I want to see papa…” mangiyak ngiyak na sabi ni Tiffany sa ina. Ayaw niya ng komprontasyon kaya gumawa siya ng dahilan makaalis lang doon.

Pag pasok niya sa loob ng Private Suite ay nadatnan niya ang ama na sobrang payat. Maraming tubo ang naka kabit dito. Lalo siyang napaiyak sa nakitang condisyon ng ama.

Umupo siya sa upuan na malapit sa kama nito at hinawakan ang kamay ng ama. “Pa… Nandito na po ako… I’m sorry pa kung ngayon lang ako nakauwi. Alam niyo naman po ang problema saamin ni AJ diba po?

“Kasama ko nga po pala si Antonia, ang anak ko. Pa please… Lakasan niyo ang loob niyo…” sabi niya sa ama. Alam niyang naririnig siya nito miski ito’y walang malay.

NAG TANGHALIAN sila Tiffany sa SM at dumaan sila ng department store para bumili ng damit dahil konting damit lang dala nilang mag ina. Nagpa iwan sa ospital ang kanyang mama dahil may bisita daw itong inaasahan.

Abala sa paghahanap ng damit si Tiffany ng biglang napansing wala ang sa tabi niya si Antonia.

DI MALAMAN ni Antonia kung saan pupunta dahil hindi niya na makita ang mommy niya.

I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon